Friday , November 15 2024

Traffic enforcer utas sa sekyu sa clearing operations

PATAY ang isang traffic enforcer ng Quezon City Department of Public Order (DPOS) nang barilin sa ulo ng isang security guard makaraang magtalo nang hatakin ang nakahambalang na motorsiklo ng suspek sa isinasagawang clearing operation kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay Supt. Christian Dela Cruz, hepe ng Quezon City Police District, Masambong Police Station 2, kinilala ang biktimang si Enrique Presnido, 60, ng Brgy. Toro  Hills, Proj. 6, Quezon City, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital.

Habang agad naaresto ng mga tauhan ng Masambong Police ang suspek na si Alex Batacan, 39, security guard, nakatalaga sa BDO sa West Avenue Branch, tubong Cagayan, at naninirahan  sa 39 Sauyo Road, Novaliches, Quezon City.

Sa report ni SPO3 Alex Ada, dakong 7:30 a.m. habang nagsasagawa ng clearing operation ang DPOS, Highway Patrol Group (HPG) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kanto ng EDSA at West Avenue, ipinahatak at ipinatiketan ni Presnido ang motorsiklo ni Batacan na nakahambalang sa bangketa sa harapan ng bankong kanyang binabantayan.

Nauwi sa pagtatalo ng dalawa ang insidente kaya nang mapikon ang sekyu ay binunot niya ang kanyang service firearm na kalibre .38 at pinaputukan sa ulo ang traffic enforcer.

Nakapiit na ang suspek sa Masambong Police Station.

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *