“Bale two years old na ang baby namin, tapos maraming change sa buhay. Kaya after 10 years, ngayon lang ako magko-concert,” ani Kyla na mapapanood sa November 20, 8:00 p.m. sa Kia Theater, ARaneta Center ang Kyla: Flying High.
Ani Kyla, kinailangan niyang mag-voice lesson muli dahil sa tagal ng hindi pagkanta. ”You can never too confident kasi feeling ko I have…kaya talagang nag-voice lesson pa ako.
“Hindi naman po sa nabago ang boses ko kaya lang, sa tagal po ng hindi ko pagkanta o kapag kumakanta ako sa mga event, 2-3 songs or the most apat lang. Ngayon lang uli ako kakanta at 20 songs pa. Feeling ko kailangan ko talagang mag-aral ng techniques para hindi mahirapan, ‘yung tamang breathing lalo pa’t may sayaw-sayaw ako rito sa concert ko,”paliwanag pa ni Kyla.
Sinabi pa ni Kyla na dahil sa tagal ng hindi niya paglabas at paglipat ng management, kinailangan niyang muling ipakilala ang sarili. ”Marami pa ring tao ang hindi nakakakilala sa akin. Sobra-sobra ang pressure talaga. I really want to entertain everybody to make sure na masaya sila.”
Ani Kyla, mas mahirap ngayong ipakilala ang sarili kompara noong baguhan pa lamang siya. ”Noong nagsisimula po kasi ako walang pressure na kailangan kong i-please ang mga tao. It’s either they will like you or not. Now, more on sustaining and maintain para magustuhan ka nila.
“Minsan kasi nag-iiba kasi nga dahil sa marami ng artist na lumalabas at nariyan at maraming talented mas marami silang pagpipilian, kaya mas ang pressure,” giit pa ni Kyla.
Pero nilinaw naman niyang hindi siya nati-threaten sa paglabas ng mga baguhang singer. ”Hindi naman po, It’s more on kumbaga, sinasabi na kung paano mo mapananatiling more relevant sa industry na ito. ’Di ba madaling kalimutan ka na lang…Kung nasaan po ako ngayon ine-enjoy ko na lang. Mas importante ‘yung paano mo mame-maintain itong hanapbuhay natin.”
Samantala, hindi alam ni Kyla kung paano niya mapaninindigan ang bagong taguring ikinabit sa kanya. Mula kasi sa pagiging Princess of R&B, ngayo’y siya na ang Queen of R&B. ”Ie-embrace ko na lang po kung ano ‘yung ibinibigay nila sa akin.”
Sa kabilang banda, special guest ni Kyla sa kanyang Kyla: Flying Highconcert sina Jay R, KZ, at Erik Santos kasama ang G-Force at ito’y ididirehe ni Marvin Caldito at musical direction ni Marc Lopez.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio