Farmer: Lalaki na talaga ang aking anak kasi magsasaka na… ano ang balak mo itanim sa sakahan mo anak?
Anak: Flowers papa!!! Maraming maraming flowers! Pretty ‘di ba?!
***
MAY bagong kasal …
MRS: Honey malapit na tayong maging tatlo dito sa bahay…
MR: Talaga Honey? Pinasaya mo ako sa balita mo.
MRS: Oo titira na rito ang nanay ko!
***
Tanga: Kumusta ang exam mo?
Bobo: Wala ako nasagutan, blanko yung papel ko. Ikaw?
Tanga: Naku, blanko rin ‘yung papel ko, baka sabihin ni titser, nagkopyahan tayo!
***
Bobo: Pare hulaan mo ugali ko, nagsisi-mula sa letter A…
Pare: Approachable?
Bobo: Mali!
Pare: Amiable?
Bobo: Mali pa rin.
Pare: O sige, sirit na nga…
Bobo: Anest!