Friday , November 15 2024

Mga ‘tirador’ sa Customs inireklamo sa NBI

00 parehas jimmyMAY natanggap tayong report na mukhang inirereklamo sa NBI ang ilang contractual at opisyal ng customs dahil sa reklamo ng mga importer at broker sa panggigipit at paghingi ng tara  na sobrang ikinalulugi ng kanilang negosyo.

Partikular ang pangha-harass nina alyas DEKSTER, PERADRESY, JO-AN at isang MENDOSA. Ayon sa sumbong, ‘di na daw pwede ang 5k sa kanya dahil director na siya kaya nag-overtake na ang nasabing  opisyal na ang polisiya kuno ay no take policy.

Take nang take at overtake?

Ang patakaran daw nila ay winner takes all at winner tiklo. Ganoon din ang isang alias POL RAMOSO na maraming code na ginagamit sa ‘tara.’

Isang alyas BOYONG na garapal din mangotong sa customs. Aabot nga raw nang milyones ang kolektong nila.

Totoo kaya ang report na ito?

Mukhang nagmamadali? S’yempre 6 months na lang at kailangan umarangkada ka na.

BOC-IG DepComm. Jessie Dellosa, pakiimbestigahan ang mga taong ‘yan at mukhang kailangan magbakasyon muna sa CPRO.

***

Nakaraang linggo nag-courtesy call kay BOC Commissioner Bert Lina ang bagong tatag na Aduana  Reporters  Association  Inc. (ARAI) sa pangunguna ni president William Depasupil ng Manila Times at ang inyong lingkod bilang vice president, kasama rin ang iba pang opisyal na si Customs Balita publisher Nap Sanota,  Tony Tabbad,  Jun Samson, Boy Mirasol,   Bobby Coles at iba pa.

Napaka-down to earth ni Comm. Lina at ipinaliwanag niya ang nawawalang buwis sa balikbayan boxes na umaabot sa P1.2  bilyon kada taon. Namangha kami sa galing ni Comm. Lina.

Sinabi pa niya na mababawasan na ang ibang processing na ginagawa sa paglabas ng kargamento. Babawasan ang maraming pumipirma para mapadali ang proseso ng mga import entry para sa maagang paglabas ng mga kargamentong legal.

Nakilala rin natin ang mabait at magalang na BoC-PIAD Chief na si Ma’m Belle.

Ang bait pala n’ya at very accommodating hindi kagaya ng pinalitan niya na walang ginawa kundi umupo sa aircon office. 

Si Mam Belle ay aktibo at malayo sa pinalitan niya. Mabait, matalino at maganda pa.

Muli, maraming salamat Comm. Bert Lina at Mam Belle sa mainit na pagtanggap sa amin.

***

Matagumpay ang ginawang shootfest ni NBI Director Atty. Virgilio Mendez na ang kinita ay ibibigay sa pangangailangan ng NBI at iba pa. The best ang NBI pagdating sa public service, walang kapaguran at talagang serbisyo totoo.

S’yempre kaagapay palagi ang mga NBI Asst. Directors na si Atty. Luigi de Lemos, Deputy Director for Regional Operation Service na si Atty. Edmund Arugay, Deputy Director for Admin Atty. Tony Pagatpat, Deputy Director Ed Villarta for Investigation, Deputy Director Raffy Ragos for Technical, Deputy Director for Intel Roland Argabioso, Deputy Director Joey Doloiras for Comptrollership, NBI Director Chief of staff Atty. Jun De Guzman at mga operating unit  ng AOCTD, Anti-fraud, DID, Anti-drugs, IPR, Interpol, anti-human trafficking, anti-graft.

Mabuhay ang Nobility, Bravery, Integrity.

God bless us all.

 Maraming salamat sa lahat ng bumati sa aking kaarawan nung nakaraang lingo. Thank you again and God bless us all at 37 years old na po ako.

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *