Kudos to ISAFP
Jerry Yap
November 10, 2015
Bulabugin
ISANG masigabong pagbati ang ating ipinaaabot sa mga miyembro ng ISAFP diyan sa Camp Aguinaldo na siyang nakahuli sa South Korean fugitive na si Cho Seong Dae na makailang ulit tumakas sa kustodiya ng ilang personalidad na pinagkakatiwalaan ng isang high ranking official diyan sa BI.
To set the record straight, ito ho ‘yung mga lehitimong ISAFP na siyang nakatalaga diyan sa Camp Aguinaldo at hindi ‘yung mga “ROGELIO” na siyang pinagkakatiwalaan ng isang mataas na opisyal ng nabanggit na ahensiya.
Ayon kasi sa ating nasagap na balita, sa dalawang ulit na pagtakas ng puganteng Koreano, parehong sa kamay o sa custody ng kanyang mga pinagkakatiwalaang ‘kulisap’ nangyari ang napakasama at nakahihiyang insidente.
Sabagay very irresistible naman talaga lalo na kung ‘manukan’ ang pinag-uusapan, ‘di ba?
Any comments on this, Mr. “Kupas” and Hagtay!?
Pero sa kabila ng sandamakmak na kapalpakan ng mga bata-batuta ni pabebe official, pinilit pa ring pagtakpan sa media ang totoong istorya ng pagtakas.
At ito namang mga nasangkot at nagkasalang ‘ROGELIOs’ na pinagkakatiwalaan ni self-proclaimed, Mr. Integrity high official ‘kuno’ ay nagawa pang ilipat sa isang magandang destino at itinaas pa nang hindi hamak ang kanilang mga sweldo!
Whattafact?! Hindi ba sobrang kapal naman ng mukha ng high ranking official na yan?!
BI spokesperson Atty. Elaine ‘sepsep’ Tan, ni wala yatang praise release na nangyari tungkol sa muling pagkakadakip kay Cho sa Laguna at tila may pinagtatakpan pa na kung ano ang feeling pabebe na high ranking opisyal.
Isang araw bago raw muling mahuli sa Pagsanjan, Laguna si Cho Seong Dae, alam na raw ng mga totoong ISAFP kung nasaan ang exact location nito, pero pinilit daw ng matitikas na apprehending officers na ikubli ang kompletong detalye sa dahilang wala na raw tiwala sa mga tropa ni BI high ranking official na naging super sikat lalo na sa mga Koreano dahil sa bisyo nitong pagpapatakas!
Araykupo!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com