Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Killer ng Ilocos councilor tiklo sa QCPD

BUMAGSAK sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang most wanted person sa Ilocos Norte na sangkot  sa pagpaslang sa isang councilor sa bayan ng Currimao sa nabanggit na lalawigan.

Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Edgardo Tinio, nadakip ng QCPD Anti-Carnapping Unit kamakalawa sa Cubao si Walter Taculma, 35, residente ng Brgy. Bimmanga, Currimao, Ilocos Norte.

Ayon kay Tinio, si Taculma ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 18 ng Batac, Ilocos Norte.

Habang sinabi ni Chief Insp. Richard Ian Ang, hepe ng QCPD Anti-Carnapping Unit, isang impormante ang nagpunta sa kanyang opisina at ipinaalam na si Taculma ay nasa Camerino St., Cubao, Quezon City.   

Agad nagresponde ang grupo ng ANCAR kasama ang ilang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Ilocos Norte na pinangungunahan ni Chief Insp. Dennis Sumaliling, kaya nadakip ang suspek.

Idinagdag ni Tinio, si Taculma ay itinuturong sangkot sa pagpaslang kay Currimao, Ilocos Norte Councilor Estela Vidad noong Oktubre 27, 2010.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …