Friday , November 15 2024

Gov. Vi: Leni Robredo ina ng buong bansa

“KAILANGAN ng bansa ang ina gaya ni Leni Robredo!”

Ito ang deklarasyon ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto bilang suporta kay Robredo bilang vice presidential candidate ng Liberal Party sa isang pagpupulong na ginawa sa Lipa City kamakailan.

“Si Ma’am Leni isang lawyer, isang ekonomista. Kung may leaders tayo sa gobyerno na mga barako, ito iyong tinatawag nating mga providers. Ang providers, kailangan po andoon din ang ilaw,” wika ni Gov. Vi.

“Importante ang may pulso ng nanay. Kapag may touch ng pulso ng nanay, ito pong mangangalaga sa ating asawa’t mga anak. Bilang isang ina, alam po namin ang pulso’t pangangailangan ng buong pamil-ya” dagdag niya.

Ayon kay Gov. Vi, kaila-ngan ang pangangalaga ng isang ina, lalo na kapag pinag-usapan ang moral values ng mga Filipino na ngayo’y nawawala na.

“We need a touch of a mother at iyan po si Ma’am Leni,” wika ni Gov. Vi.

Paliwanag ni Gov. Vi, kung si LP presidential bet Mar Ro-xas ang magiging haligi ng bansa, si Robredo naman ang magsisilbing ilaw na gagabay sa sambayanang Filipino.

Bukod kay Gov. Vi, nagpahayag din ng suporta ang iba’t ibang nasyonal at lokal na opisyal mula Batangas, kabilang sina Sen. Ralph Recto, Cong. Sonny Collantes, Cong. Rannie Abu at Batangas Vice Gov. Mark Leviste.

Dumalo rin ang mga ma-yor, vice mayor, konsehal at board members mula sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad ng lalawigan.

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *