SI teacher Georcelle pala ng G-Force ang nagbigay idea kay Sarah Geronimo tungkol sa title ng concert niya.
Dahil gusto raw niyang maiba at maging tatak-Sarah G ang musika niya, bakit daw hindi magsimula muli “from the top”, isang expression na madalas gamitin sa mga rehearsal, pagbibigay cue-in at pag-rereview ng isang activity o gawain, sayaw man o kanta.
“Parang back to the basics, pero mas organized ‘yung harmony, ‘yung sequence. ‘Yun po bang tipong kapag nakanood ka eh sasabihin mo, ‘ah si Sarah nga iyan..kay Sarah iyan’. The same feeling na nararamdaman ko kapag nanonood ako ng mga concert nina Justin Bieber at iba pang foreign shows,” hirit pa ni Srah.
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus