Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahilan ng break-up nina Jessy at JM, inilahad

032015 jm de guzman Jessy Mendiola
UNLIKE Sarah Geronimo, matapang at tila salitang-patapos na ang tinuran ni Jessy Mendiola patungkol sa muli nilang break-up ni JM de Guzman.

“Nagkasundo kami. Dapat na kaming mag-pokus sa mga sarili naming career at buhay. Mas magiging functional and productive and focused po kami ‘pag ganoon,” sunod-sunod na pahayag ni Jessy.

Walang pangit na sinabi si Jessy hinggil sa break-up nila ni JM unlike the first one na talagang super deadma ito at ayaw magpahayag.

“Ever since naman po JM is a very special person. Napaka—passionate na tao, very talented, artistic at mabait. Mami-miss ko siguro ‘yung kakaiba niyang kasimplehan at sense of humor. Pero talagang ganoon eh. Hindi natin maipipilit kung hindi talaga. Hanggang doon na lang siguro,” dagdag pa ni Jessy.

Bongga ang karir ngayon ni Jessy. Bukod sa upcoming niyang soap naYou’re My Home na magsisimula na ngayong Lunes (Nov. 9), regular na rin siyang bahagi ng nagbago ring title na Banana Sundae na every Sunday na ring mapapanood.

From drama to comedy and sitcom, well..matatawag ngang balanse ang karir ngayon ni Jessy.

E usap-usapan din ang napaka-seksi niyang photos sa kanyangInstagram kaugnay ng Darna role na isa nga siya sa ipinu-push? Aba, kung matuloy din ‘yun e ‘di sexy-action pa ang hirit ng byuti ng niya! Kompleto na kaya wala nga sigurong puwang ang lovelife sa kanya.

 

AMBETIOUSLY – Ambet Nabus

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …