BOC-Auction nakatutulong sa smugglers?
Ricky "Tisoy" Carvajal
November 10, 2015
Opinion
CONGRATULATIONS sa auction chief ng MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT (MICP) na si Jerry Macatangay dahil sa mga seized smuggled goods gaya ng imported RICE and SUGAR na malaki ang naitulong sa revenue collection ng MICP.
Pero hanggang ngayon, hindi pa ‘ata ma-realize ng BoC na ito ang sistema na ginagmit ng smugglers ngayon upang makuha ang kanilang mga kontrabando.
Ang modus kasi ng mga smugglers, ipinapahuli o inaabandona ang kanilang kargamento gamit ang mga fictitious consignees to avoid apprehension.
At habang naghihintay na mailagay ang mga kargamento for auction proceedings ay dito na sila gumagamit ng mga kilalang legitimate customs bidders to do the job. Kapag nanalo, the smugglers can now put on sale the rice and sugar na legal na legal sa merkado.
Kaawa-awa naman ang mga magsasaka natin na buong akala nila natutulungan sila ng ating gobyerno against the rice and sugar smuggling sa ating bansa.
Nakatitiyak po tayo na alam ng karamihan sa customs ang sistemang ito Kaya lang they have no choice dahil hindi naman mailalagay for destruction ang mga nahuling bigas at asukal.
Hindi ba dapat magbigay ng konting contribution ang BoC sa kinita na auction sa mga magsasaka upang makatulong sa kanilang mga pananim na sinasabing nalugi because of rice and sugar smuggling?