Thursday , December 26 2024

Solusyon vs Tanim-Bala sa NAIA ng PNoy admin ‘palalamigin’ lang (Bill ni Leni Robredo stupid)

00 Bulabugin jerry yap jsyTILA palalamigin lang na parang isang mainit na sabaw ang isyu ng ‘tanim-bala’ sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

(Habang si Rep. Leni Robredo naman ay naghain ng isang ‘stupid’ House Bill 6245 – na nagde-decriminalize umano sa tatlong bala – uulitin lang natin ang tanong: may pagkakaiba ba ang isa, dalawa, tatalo o lima o sampung bala kapag nailusot sa vital installation ng isang bansa gaya ng Ninoy Aquino International Airport?)

Wala tayong makitang konkretong hakbang mula sa administrasyon kung paano wawakasan ang isyu ng ‘tanim-bala’ na ayon nga kay Senator Bongbong Marcos ang mga naging biktima ay mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) at senior citizens.

May ilang mga biktimang dayuhan na malamang ay naging drumbeater pa ng isyung ‘tanim-bala’ para bigyan ng babala ang kanilang mga kababayan.

Imbes imbestigahan ang mga sunod-sunod na insidente, ang unang ginawa ng pamunuan ni Department  of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio A. Abaya, Jr., a.ka. Jun Abaya ay idepensa ang kanyang mga tauhan sa publiko.

Kumbaga, hindi pa naiimbestigahan kung ano ang tunay na sitwasyon ‘e naging defensive na si Secretary Jun pabaya ‘este Abaya.

Sinahugan pa ng katwiran ni Secretary Jose Almendras na, “Kami ba o si PNoy ba ang nagtanim ng bala?”

(Secretary Almendras, sa mga sagot mo na ‘yan, klarong-kalro na ‘kamote’ ang itinatanim ninyo ng Pangulo sa mga kukote ninyo!)

At tinulusan ng rason ni Mar Roxas na ‘demolition job’ daw laban sa Liberal  Party at sabotahe umano sa APEC Summit ang ‘tanim-bala’ sa NAIA?!

Wrong timing daw kasi ang mga naglalabasang inisdente ng ‘tanim-bala’ kaya halatang demolition job.

What the fact, Mr. Roxas?!

‘E kailan pala ang tamang panahon para sa mga insidente ng tanim-bala?

Sa totoo lang, halos mabaliw sa kaiisip ‘yung mga kababayan natin na nahulihan ng ‘bala’ sa kanilang mga bagahe dahil hindi nila maintindihan kung bakit at paano.

Pero ang isasagot lang ng administrasyong ito ay idepensa ang mga opisyal nila at humugot ng kung ano-anong espekulasyon at haka-haka ang mga gabinete ni PNoy?!

Hindi natin sinasabing idiin ang mga Airport personnel o ang mga taga-Office for Transportation Security (OTS) ng DoTC.

Ang sinasabi lang natin, sila ang immediate na may pananagutan sa mga insidenteng ito kaya dapat lamang na umpisahan sa kanila ang imbestigasyon.

“How can you possibly defend somebody who has allowed this kind of victimization of our OFWs to carry on in the face of public scrutiny, in the face of exposure, in scandal, in the face of clear violations of trust and the law?”

Klaro ang puntong ‘yan ni Bongbong.

At habang idinedepensa ng administrasyon nina PNoy at gumagawa ng haka-haka si LP presidential bet Mar Roxas ay lalo lamang nagagalit ang publiko at ang galit na ito ay nakahahamig ng atensiyon sa international scene.

Sa ayaw at sa gusto ng administrasyon ni PNoy, ng kanyang mga pinagkakatiwalaang opisyal sa OTS-DoTC, at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan na nakatalaga sa NAIA na may kinalaman sa seguridad ng mga pasahero at vital installation na ‘yan, ay malinaw na may pananagutan sila sa ‘tanim-bala’ issues.                  

Sabi nga ni Bongbong, “There’s such a thing called command responsibility. Bakit mo pinabayaan na nangyari iyan? Hindi naman ito bago. Ilang taon na nangyayari ito at marami na tayong report na nakikita.”

Sa dami ng mga nangyayari at nagsasalita tungkol sa isyung ito, isa lang ang TIYAK.           

Ang mga insidente ng ‘tanim-bala’ ay nagaganap. Hindi ito tsismis at lalong hindi haka-haka. Ang dapat gawin ng administrasyong PNoy ay ‘tuldukan’ ito!

Ganoon kasimple.

Ang tanong: kaya bang tuldukan ni PNoy at ng kanyang mga alipores ang tanim-bala?!

O hahayaan lang nilang ‘manahin’ ito ni Ro-xas, sakali mang lumusot siya sa 2016 elections.

O mas gusto nilang, ‘SAMBAYANAN’ ang sumagot sa tanong na ‘yan?!

 By the way, Madam Leni, have you made up your mind about your ‘stupid’ HB 6245?

Mga talunang konsehal bilang consultants ni Cabuyao Mayor Isidro Hemedes kinuwestiyon ng COA

Grabe pala ang ginawang pagkuha ng consultants ni Cabuyao Mayor Isidro Hemedes.

Kinuha niyang consultants ang mga talunang konsehal noong 2007, 2010, 2013 elections na kanyang mga kaprtido.

 Hindi bababa sa P20,000ang buwanang suweldo at allowance ng mgha consultants na sina Jose ALcabasa Sr., Aser Javier, Rolando Refrea, Pastor Canceran, Carlito Bariring, Odilon Caparas, Flordeliza Urbina, Ricky Voluntad at Flaviano Dizon.

Unang kinuwestiyon ng Commission on Audit  (COA) ang kuwalipikasyon ng mga nasabing consultants.

At mukhang hindi sila nakapasa.

Mayrron din mga consultants na inuulit lang ang trabaho ng isang kuwalipikadong opisyal at legal na itinalaga ng pamahalaan kaya doble gastos mula sa pondo ng gobyerno.

Aba, mukhang hindi talaga dapat ‘yan.

Pero dapat itong busisiin ng constituents ng Cabuyao dahil sa pmamagitan nito ay makapagpapasya sila nang wasto para sa nalalapit na eleksiyon sa 2016.

Mga Cabuyaoeño, bantayan ang kabang yaman ng bayan ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *