SALUNGAT sa mga kumalat na espekulasyon last year, hindi na pala itinuloy ni Dingdong Dantes ang napipintong pagsabak sa politika.
Talks were rife na nais tumakbong Senador ni DD, base na rin sa pre-nuptial video nila noon ng pinakasalang aktres na may pagkamasa ang dating nito.
Shown on video ay ang pagsakay ng noo’y ikakasal na couple sa isang tricycle. In one scene, makikitang nakikipagkulitan si DD sa mga bata. Although hindi pa voting age ang mga ito, makapukaw-atensiyon ang pagkakaroon ng mass appeal ng nasabing video material.
Kamakailan ay ipinakilala na ng Partido Liberal ang kanilang senatorial slate, pero wala roon si Dingdong.
Gusto naming isipin na isinantabi muna ng aktor ang kanyang political aspiration para bigyan-daan ang panganganak ng kanyang misis. By 2016 elections kasi, isa nang ganap na ama si DD who will barely have time para sa pangangampanya.
HOT, AW – Ronnie Carrasco III