Ngayon, bukod sa bagong album niya ay tatlong pelikula ang tatampukan niya. Actually, natapos na niya ang una titled Memoriy Channel with Jeffrey Quizon na inaasahan nilang papasok sa MMFF New Wave Section ngayong December.
Ano masasabi mo, ano yung naging turning point na parang nagbago nang todo ang takbo ng career mo?
“Sobrang thankful po ako kasi ‘yun nga po, na-bless po ako ni God ng malalaking blessings ngayong 2015. Unang-una na po diyan yung album ko po. Yung latest album ko, yung Gerald Santos: Kahit Anong Mangyari na nakalabas na po sa market and sa lahat ng online music stores sa lahat ng favorite music stores niyo sa online, pwede niyo na siyang idownload
“Tapos yung aking musical play, nagra-run pa rin hanggang ngayon, ito-tour namin nation wide ang San Pedro Calungsod, Yhe Musical. Then, dumating yung offer naman sa movies. Ayun unang-una yung Memoriy Channel alongside Epi Quizon and eto pa ay intended for the MMFF: New Wave Category.
“So hopefully makapasok, then eto po ngayon may bagong in-offer sa amin, ang Emilio Jacinto: Utak ng Katipunan. I will play the role of Emilio Jacinto and it’s really an honor for me na magampanan yung buhay niya. Actually, isa ‘yon sa mga dream roles ko, yung magampanan si Emilio Jacinto, kasi tingin po talaga namin parang bagay na bagay po talaga sa akin yung role because of his age and yung looks niya,” mahabang panimula ni Gerald.
Nasabi rin ng versatile singer/actor na nomando siya sa Aliw at sa PMPC para sa taong ito.
“Katatanggap lang po namin ng balita na na-nominate ako sa Aliw awards for Best Major Concert performer. Plus, yung album ko naman po, nominated naman sa Star Awards for Music
“Opo, umuulan po ng blessings,” matipid na sagot pa ng talent ni Cocoy
Ano’ng feeling mo nang nalaman mo na nominated ka sa Aliw at PMPC?
“Hindi ko po maipaliwanag. Parang nasa cloud 9 po ako. Talagang wow! Grabe po!”
Paano mo ide-describe yung album na ito?
“Iyong album po na to, it’s an all original album na mayroon po akong composition na dalawa. And na-nominate po siya sa Star Awards for Music for Male Pop Artist of The Year.
“Etong album na Kahit Anong Mangyari, halo-halo po siya. May ballad, may pop song siya, mayroong mga up beat songs. Iyong isa pong upbeat song may rap. So talagang sumusunod po tayo sa panahon,” nakangiting saad pa ni Gerald.
Nasabi rin ni Gerald na matutuloy na ang pelikulang Ang Lalaking Nangarap Maging Nora Aunor at itinuturing niyang biggest break niya ito sa pelikula.
“Biggest break ko po itong movie na ito napakalaking pelikula and napaka-honored ko na ako yung nabigyan ng napakalaking opportunity na gampanan yung role na ito, sa Ang Lalaking nangarap maging Nora Aunor.
“Nakuwento nga sa aakin ng karamihan na talagang ang tagal na nito, ang daming gustong kumuha ng role na ito, ang daming gustong gumanap. Pero yung iba kumbaga, na-turn down sila, pero ako kumbaga, eto na po binibigay na sa akin. So, bakit ko pa papakawalan?
“So I will do my best, I will give my best, gagawin ko po ang lahat para hindi mag- fall short ang performance ko dito sa pelikula. Lalo’t makakasama ko sa movie sina Ms. Nora Aunor at gaganap na father ko naman, si John Arcilla,” paliwanag pa ni Gerald.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio