Hindi kailangan baluktutin ang umiiral na batas ng isang panukalang batas para lamang arestohin umano ang isang problema na ngayon ay isa nang malaking eskandalo sa buong mundo.
Kumbaga, ‘ISANG BALA’ lang, tumaob na ang kredibilidad ng isang administrasyon.
At isang bala lang, lumabas na ang pagi-ging kamote ng isang mambabatas.
Pasintabi po, ayaw kong tawaging ‘KAMOTE’ ang House Bill 6245 ni Madam Rep. Leni Robredo, pero kahit saang anggulo ko po tingnan, talaga pong sa ‘KAMOTE’ bumabagsak.
Madam, may pagkakaiba ba ang tatlong bala ng baril sa lima o sampung bala na nailulusot at tahasang lumalabag sa seguridad ng mga paliparan sa bansa?!
Akala ba ninyo ay BALA ang pinag-uusapan dito?! Hindi po. SEGURIDAD po ang isyu, Madam Leni.
Ang mga nakalulusot na bala ay kongkretong larawan ng pambabastos at pambabalewala sa seguridad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.
So mga suki, let us clear the issue, it’s not the bala, it’s the breach of security in NAIA.
Will you please, make up your mind Madam Leni Robredo?!
Sonabagan!
Nagsalubong pa kayo ng mga panukalang batas ng kapartido mong si banban ‘este’ Bam Aquino.
Madam Leni, Senator Bam, hindi kayo parehong kalbo, huwag kayong magpatawa.
Ang immediate concern ngayon, kung paano matitigil ‘yang ‘tanim-bala’ na ‘yan sa iba’t ibang airports sa bansa.
Hindi dapat maging defensive ang mga opisyal ng administrasyong ito lalo na si Secretary Jose Almendras at si PNoy mismo.
Walang nagsasabi na kayo ang nagtatanim ng bala… pero sa pagkakataong ito mukhang mas maigi pa nga na magtanim na lang kayo ng kamote!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com