Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, dinumog ng 50,000 fans, nagpasara pa ng kalye sa Iloilo

110515 alden
MULING gumawa ng history si Alden Richards nang bumuhos na naman ang sandamakmak na fans sa Robinsons Place, Iloilo City at magpasara ng ilang kalsada roon.

Nakita namin sa Facebook account ni Ms. Marivin Arayata, GMA7 Vice President for Entertainment TV, ang report sa kanya ni GMA Asst. Vice President for Regional Operations na si Oliver Amoroso ang ilang pictures na nagpapatunay kung gaano karami ang taong dumagsa saKapuso Fans Day with Alden.

Ayon kay Amoroso, umaabot sa 50,000 katao ang nagtungo sa Robinson’s Place, ito’y ayon na rin sa local security and mall marketing ng naturang lugar.
110815 alden1
Kitang-kita na nasa kalye na rin ang mga tao na nagnanais makita si Alden kaya naman kinailangan daw isara ang kalye para sa mga sasakyan at i-reroute ang byahe roon.

Naganap ang naturang show ni Alden sa Robinson’s Place noong Biyernes, November 6 na as early as 11:00 a.m. ay marami na ang nagtungo sa lugar. ”And stayed until the event was over. Some even camped out at Robinson’s Place grounds. You don’t see people at the other side of the city, no traffic or vehicles, as the people were all around Robinson’s. If I had goosebumps in Cebu (where Alden had a show last month), here in Iloilo, I am very, very amazed!,” sambit ni Amoroso.

110815 alden2

Ayon pa sa report, dapat ay 5:00 p.m.pa ang fans day ni Alden subalit na-delay ang flight nito, kaya nakarating ito ng Iloilo ng 8:00 p.m. Na-delayed man, hindi raw nag-alisan ang mga tao at hinintay nila ang pagdating ng aktor.

At dahil inaasahan na ng Iloilo City government ang pagdagsa ng tao na manonood sa show, nag-issue na ang mga ito ng ordinance of traffic rerouting scheme, na closed to vehicular traffic ang kabuuan ng Paseo de Iloilo (back of Robinson’s) corner De Leon and Quezon Streets from 7:00 a.m. to 9:00 p.m. ng araw na iyon.

Narito ang mga larawan na nagpapatunay kung gaano karami ang dumagsa sa naturang lugar para lamang masilayan si Alden. Talagang Alden rocks Iloilo. Ibang klase!

ni Maricris Valdez-Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …