Makikita sa larawan na nag-pose para sa isang picture taking kasama si Korina Sanchez Roxas ang lima sa maraming LGBT members na umuwing may trabaho –hired on the spot, ‘ika nga.
Ilan sa mga nabigyan ng trabaho ay sina Daniel “April” Lince, 50, ng Marikina na naging call center agent sa isang BPO company; Xyza “Lance” Ravinera, 31 na isang Civil Engineering; Garry David, na nakapasok bilang administrative associate sa isang BPO company; Jan Rey “Yeng” Cuico, 26, na hired on the spot sa Team Sir George Salon;
At ang service crew na si John Ernest Marco na naging office assistant sa isang dental clinic.
Sa job fair na iyon ay swak na swak ang mister ni Korina na si Mar Roxas, ang tinaguriang Ama ng Call Centers sa bansa dahil siya ang opsiyal na nagpalago ng industriyang ito sa Pilipinas at marami sa mga nagtungo ang nabigyan ng trabaho bilang call center.
Sa buong maghapong job fair ay may mga booth din na puwedeng ikutan ang mga nag-aaplay ng trabaho na alok ang libreng pagkain, libreng kape, at libreng gupit, at face painting. Nagbigay din ng HIV/AIDS awareness and prevention talk ang grupongProject Red Ribbon. Sinabay na rin sa araw na iyon ang signature campaign para sa pagsusulong sa kongreso ng Anti-Discrimination Bill (ADB) na akda nina Congresswomen Leni Robredo at Kaka Bag-ao.
Ang ADB ay para sa pantay na karapatan ng mga beki at buong LGBT Community lalo sa mga usapin ng gender identity at expression, ganoon din sa mga isyu tungkol sa diskriminasyon sa trabaho at serbisyong panlipunan.
Sinundan naman ang fair ng mini-concert na nag-perform ang nag-guguwapuhang grupo na 1:43 at ang singer na si Dessa.
Ang Keribeks Job Fair ay inorganisa ni Korina para mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng LGBT na makahanap ng magandang trabaho na walang nararamdaman at hinaharap na deskriminasyon.
Sabi nga ng mga grupo ng LGBT—”thank you Miss K!”
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio