BILANG aktor, dapat versatile ka at sumubok rin ng ibang role. Like Richard Yap a.k.a Ser Chief na nasanay nang magbida kasi may K naman talagang maging leading man. Pero ngayon ay nagiging open na rin si Ser Chief sa pagtanggap ng project na malaking challenge para sa kanyang career bilang actor kaya tinanggap niya ang maging main contravida sa no.1 action-drama teleserye ngayon ni Coco Martin sa ABS-CBN Primetime Bida na “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Bilang baptism of fire ng actor-businessman as villain ay pinaghandaan niya ito lalo’t siya ang gaganap na pinuno ng sindikato o dragon ng sindikato na makasasagupa ng character ng pulis-probinsyang si Cardo na nagpapanggap na Ador (parehong ginagampanan ni Coco) para maipagtanggol at mabigyan ng hustisya ang pagpaslang sa kanyang kakambal na kapwa niya pulis na walang awang pinatay ni Police Senior Insp. Joaquin Tuazon (Arjo Atayde).
Dito na nga magsisimula ang pagpasok ng papel ni Richard at kaabang-abang ang mangyayaring enkuwentro nila ni Coco.
In fairness, napaka-gwapong kontrabida ni Ser Chief. Samantala bukod kay Coco at sa agaw-eksena nilang tandem ni Onyok, kapuri-puri ang ipinamalas na akting ni Bela Padilla sa confrontation scene nila ni Coco, nang ipinagtapat na ng aktor na siya si Cardo at hindi ang kapatid niyang si Ador.
Grabe, ang husay-husay ni Bela sa scene na ‘yon sobrang nag-level up na ang pagiging aktres niya na pwedeng ma-nominate na Best Actress sa alin mang award giving bodies sa telebisyon.
I’m convinced gyud!
SAM MILBY MAGBABALIK TELEBISIYON SA “DOBLE KARA” TUNGHAYAN ANG MAGI-GING PAPEL SA BUHAY NG KAMBAL
Mas kapanapanabik ang hapon ng mga manonood sa pagbabalik-telebisyon ni Sam Milby sa pagpasok ng kanyang karakter sa top-rating afternoon teleserye ng ABS-CBN na “Doble Kara.” Gaganap si Sam bilang si Sebastian, isang semenarista na nagdadalawang-isip kung itutuloy ang kanyang pagpapari.
Sa kanyang paghahanap sa sarili, makikilala niya si Kara (Julia Montes) na kasalukuyan namang may mabigat na pinagdaraanan. Makatulong kaya sa pagdedesisiyon ni Sebastian ang pagkikita nila ni Kara? Umusbong kaya ang pagmamahalan sa dalawa? Ano na kaya ang magiging takbo ng kwento sa pagpasok ni Sebastian sa kanilang mga buhay?
Samantala, masaya si Sam na siya ay napabilang sa cast ng hit Kapamilya Gold teleserye at excited sa kanilang unang tambalan ni Julia Montes. “Sobra akong flattered dahil mainit ang pagtanggap ng mga tao sa show. Excited din ako dahil kakaiba ang ibinigay na role sa akin at siyempre, first time kong makakatrabaho si Julia.” pahayag ni Sam.
Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang “Doble Kara” ay pinagbibidahan ng Royal Prinsesa ng Drama na si Julia Montes kasama sina Carmina Villarroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapus, Allen Dizon, at Alora Sasam. Ipinikakikilala rin sa teleserye ang bagong leading men ni Julia na sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles.
Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Palo at Jon Villarin. Huwag palampasin ang kuwento na magpapadama ng tunay na pagmamahal, “Doble Kara,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN Kapamilya Gold.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma