Thursday , December 26 2024

Panahon na para kausapin muli ang Tsina (Ikalawang Bahagi)

USAPING BAYAN LogoKung sakali na sumiklab ang digmaan ng mga Tsino at Amerikano ay hindi maari na hindi tayo madamay. Pilit kasi na isiningit ni BS Aquino III ang bayan sa gulo na ito. Sa kagustuhan na makakuha ng kakampi sa iringan natin sa Tsina, ay inanyayahan ng pangulong ito ang mga Amerikano na bumalik sa ating lupain. Hindi niya inalintana ang maaring maging epekto nito sa ugnayan natin sa Tsina sa hinaharap.

Sa ngayon, ang Tsina ang pangalawa sa may pinakamalaki na ekonomiya sa mundo. Tinataya ng mga dalubhasa sa ekonomiya na uungusan nito ang US bilang may pinakamalaki na ekonomiya sa mundo sa loob ng 20 hanggang 50 taon. Ito ang dahilan kung bakit interesado na bumalik muli sa Asya ang mga Amerikano, upang mapigil ang kanilang pagbagsak at masupil ang Tsina.

Masama ang lagay ng relasyon natin sa Tsina dahil sa ginagawa nila na pagkamkam sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea. Pero may palagay ako na hindi sapat na dahilan iyon para magpagamit tayo sa US sa geo-politikal na ambisyon nito na kontrolin ang buong South China Sea, kabilang na ang ating West Philippine Sea.

Ang sinasabi na “Freedom of Navigation” na idinadahilan ng US para makapagpadala ng mga barko na pandigma sa mga karagatan malapit sa atin ay malinaw na palusot lamang para manatili ang kontrol nila sa pamahalaan natin at pamunuan ng South Korea, Japan, Taiwan, New Zealand at Australia. “Cold War” mentality ang nasa likod ng mga kilos ng Amerikano at hindi ang ating kapakanan.

Hindi ko maintindihan kung bakit iniasa na lamang ni BS Aquino III ang seguridad ng bayan sa ilalim ng saya ng mga Amerikano kesehoda na madamay tayo sa mga giyera na kanilang inuumpisahan o kinasasangkutan. Malinaw na walang nalalaman si BS Aquino III sa ngayon kundi sumunod sa kagustuhan ng Washington (kaya may palagay ako na ang pag-eendorso niya kay Mar Roxas bilang kanyang kapalit sa Malacanang ay pailalim na pag-eendorso rin ng Washington).

Kailangan na maunawaan ni BS Aquino III na walang kaibigan at tanging interes lamang ang namamayani pagdating sa ugnayan ng mga bansa. Hindi bumabalik ang mga Amerikano sa Asya dahil sa pakikipagkaibigan nila sa atin. Andito sila muli dahil kailangan nila tayo. Kung wala na tayong silbi sa kanila ay itatapon nila tayo sa basurahan na parang gulagulanit na basahin.

 Dapat tayong umiwas sa mga pagkakataon na maglalagay sa ating bansa sa balag ng alanganin, lalo na sa isang digmaan na wala tayong ikapapanalo. Panahon na para muli natin kausapin ang Tsina upang makahanap ng solusyon sa isyu na humahati sa atin. Ang Tsina ang aari ng kasalukuyang siglo. Hindi tayo dapat lumangoy laban sa agos.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *