Monday , December 23 2024

Mag-ingat sa kotong in-tandem sa Bacoor City

kotong in tandem bacoorISANG Bulabog boy natin ang nagpaabot ng BABALA (hindi po ‘yan asawa ni Babalu…hehehe) seryosong babala po ‘yan laban sa KOTONG IN-TANDEM diyan sa Longos, Zapote, Bacoor City.

Mayroon po kasing dalawang tulisan ‘este pulis na may hawak na Bacoor Ordinance Violation Receipt diyan.

Nakasita ng tatlong nagmomotorsiklo ‘yung dalawang napakasipag na pulis sa araw ng linggo. 

‘Yung tatlo ay sinita raw dahil maingay ang muffler kaya umareglo ng tig-P500 ‘yung dalawang motorcycle driver doon sa isang SPO1 Cunanan.  

‘Yung pangatlo, ‘yung Bulabog boy natin ay nagdeklarang wala siyang pera.

So, ang ginawa no’ng nagpakilalang SPO1 Sabater (walang nakasulat na first name sa resibo), kinuha ang kanyang lisensiya at siya ay inisyuhan ng tiket.

Walang nakasulat kung ano ang violation pero pinagre-report ang Bulabog boy natin within 72-hours sa license redemption center sa Molino Extension Office, Molino III, City of Bacoor para tubusin ang kanyang lisensiya.

Ganyan po kasimple ang modus operandi ng KOTONG IN-TANDEM na ‘yan sa Longos Bacoor.

Kung ayaw ninyong maabala at mayroon namang dalang pera, naturalmente, magbibigay ka.

E paano nga kung wala kang pera?! Abala na, bayad pa!

Tsk tsk tsk…

Kailan kaya magkakaroon ng kamulatan ang ibang traffic enforcer (pulis man o auxiliary force) na sila ay itinatalaga sa gawaing ‘yan para magmando ng trapiko at hindi para kotongan ang mga motorista?!

Paluwagin ang trapiko sa kalsada hindi para ‘paputukin’ ang bulsa…

Pwede ba?!

Bacoor City police chief, Supt. Rommel Esto-lano, pakirekorida ‘yang dalawang kotong in-tandem sa Longos, Zapote, Bacoor City!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *