Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

De Ocampo nagpapagaling na sa bahay

110615 ranidel de ocampo

UMUWI na sa kanyang bahay sa Cavite ang pambatong swingman ng Talk n Text na si Ranidel de Ocampo pagkatapos na nakaratay siya ng isang linggo sa Makati Medical Center.

Matatandaan na biglang namanhid ang likod ni De Ocampo dahil sa herniated disc habang nagbuhat siya ng timbang sa ensayo ng Tropang Texters noong Oktubre 25 sa Moro Lorenzo Gym.

Tumagal ng isang linggo ang pahinga ni De Ocampo sa ospital bago siya pinayagang umuwi lalo na nagkasabay ito sa ika-13 na kaarawan ng kanyang anak na si Madeleine.

“Two weeks pa yung recovery, tapos rehab na after nun,” wika ni de Ocampo sa panayam ng isang sports website. “Sabi niya (coach Jong Uichico) lang magpagaling ako.”

May isang panalo at isang talo ang TNT sa team standings ng Smart Bro Philippine Cup at balik-aksyon ang Texters sa Nobyembre 11 sa ULTRA sa Pasig kalaban ang sister team nilang Meralco.

Tatagal mula anim hanggang walong linggo ang pahinga ni De Ocampo bago siya makabalik sa court. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …