Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pele, munting Jolina

110515 jolina magdangal pele
HINDI batang mataba si Pele Inigo Magdangal Escueta. One year old pa lang, pero grabe na ang katalinuhan. Si Pele ay ang anak nina Jolina Magdangal at musician Mark Escueta. Super cute, balat or kutis gatas, dahil ang puti niya, napakakinis at higit sa lahat ma-PR, tatak Jolina.

Si Jolina ay kilala na natin since her childhood, hindi lang napakagandang bata, higit sa lahat mahusay kumanta, ma-PR, madaldal, hindi mahiyain at munting Jolina ang ang makikita kay Pele.

Aminado si Mark na mahiyain siya, a man of few words kahit napakagandang kumanta dahil soloist siya ng isang sikat na banda.  Good-looking si Mark, at match na match sila ni Jolens, na isa ring magaling na singer.

Pinagkaguluhan sa presscon ng Megasoft Hygienic Products ang mag-anak dahil ang Escueta family ang endorser ng isa sa mga product nila, ang Super Twins Premium Diaper na ang pinaka-star ay si Pele dahil ang gamit niya ay super lambot na diaper. All out ang pasasalamat ng mag-asawang Emilio at Aileen Go, ang mga may-ari ng Megasoft Hygienic Products.

Magkaibigan pala sina Jolens at Aileen pero hindi komo’t magkaibigan sila, hindi agad sumagot ng oo at tinanggap ang offer ni Ms. Aileen na si Pele ang gusto nila na mag-endorse ng diaper. Humingi muna ng ilang days sina Mark at Jolina, sample ng diaper at ginamit ni Pele.

Inobserbahan kung mamumula at mangangati si Pele sa gamit na diaper.  Awa ng Diyos walang reaction ang bata sa gamit na Megasoft diaper.  Dahil dito pumirma na ang mag-asawang Mark at Jolina for 18 months contract as endorser ng Megasoft Super Twins Premium diaper. First time pala ng Megasoft na magkaroon ng ganito kalaking endorsement ng gamit ng sanggol. Ang una pa lamang na produkto nila ay gamit ng pambabae sa kanilang monthly period at ang endorser ay si Maja Salvador.

Take note hindi kinagat nina Mark at Jolina ang offer na “name your price”. Kung ano lang ang dapat ang ipinairal ng Escueta couple.

NO PROBLEM DAW – Letty Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …