Manila–DSWD inutil nga ba?
Johnny Balani
November 5, 2015
Opinion
MGA ‘IGAN, talamak na sa Maynila ang masasamang elemento. Kaliwa’t kanan ang mga naglipanang holdaper, snatcher at mga “drug-addicts.” Ang matindi rito, menor-de-edad” ang pasimuno! Kaya naman, isa ito sa nagiging problema ng ating mga Kapulisan, maging ng mga Barangay Chairman, partikular sa Maynila. Subalit, ayon sa aking “Pipit,” kahit pag-aksayahan ng panahon ng mga Pulis at ng mga Barangay Chairman ang manghuli ng manghuli ng mga Kabataang sangkot sa krimen sa lansangan at sa Barangay, ay bale wala ito. Sapagkat mismong namumuno sa “Tanggapang” dapat na kumalinga sa mga paliwarang Kabataan ay walang pakialam! ‘Yun ang problema! Siya/Ikaw ang problema!
Ang Manila–DSWD, na pinamumunuan ngayon ni Madam Honey Lacuna, ay sadya nga bang inutil? Hindi naman siguro…hehehe…nagkalat lang naman, lalo na sa Lungsod ng Maynila, ang mga “Batang Lansangan” at ang isang katerbang “Rugby Boys.” Bulong ng aking “Pipit,” nagsawa na sina “Mamang Pulis” at sina “Chairman” na manghuli ng mga “Pasaway.” Sa dahilang wala namang aksyong nanggagaling sa tanggapan ni Madam. Tulad na lamang itong nangyari sa Brgy. 873, sa may Sta. Ana, Manila kamakailan lang, nang manggulo (Riot) ang mga “menor-de-edad.” Abay, walang Opisyal ng Barangay o’ Tanod man lamang o’ kaya’y Pulis ang nakialam! Paano…huhulihin umano nila, pagkatapos, dadalhin sa Tanggapan ni Manila–DSWD Chief Honey Lacuna, partikular sa “Reception Action Center” (RAC) sa A.J. Villegas St. Ermita, Manila …Maya-maya lang ay hayun na naman ang mga Pasaway, labas–kulungan agad. At narinig ng aking “Pipit”… “Pakawalan n’yo na lang ‘yang mga bata! Magugutom lang ‘yan dito! Walang magaasikaso sa kanila!” Sus ginoo! Nasaan ka na po Madam Lacuna? Kinakailangan po ang pagkalinga ninyo sa mga Kabataang palaboy-laboy sa lansangan! Bigyan sila ng kaukulang atensyon kasabay ang pagbibigay leksyon sa mga pabayang magulang upang mailagay sa tuwid na landas ang mga Kabataang tunay na pag-asa ng ating Bayan! Madam, maraming nagrereklamo sa kawalang Aksyon ninyo sa isyung ito!
Ang masaklap pa rito mga ‘igan, dagdag ng aking “Pipit,” kakandidato pa itong si “Lausna” este “Lacuna” ng Vice Mayor sa Maynila. Oy, Oy, Oy! Maawa ka naman sa Sambayanang Manilenyo. Wala ka pa umanong pinatutunayan sa pagiging “Cheap” este “Chief” mo ng Manila–DSWD, tatakbo ka pang Vice Mayor? Aba’y kung nakatulog ka sa pansitan, magising ka na po! At bigyan ng magandang sistema ang inyong tanggapan . . . Trabaho lang PO!
Barangay official at supplier “partners in crime”
Matapos kuhanan ng litrato ang tatlong (3) baldeng pintura upang gamitin “kuno” sa Proyektong “Beautification” sa kanyang Barangay 32 Zone 2 District I Tondo Manila, abay…agad na isinauli umano ng damuho Barangay Opisyal ang hiniram nitong 3 baldeng pintura sa Ronnies Hardware! Ha Ha Ha Talagang puro, kawalanghiyaan ang pinaggagagawa ninyo! Tamaan sana kayo ng “KIDLAT” mga animal kayo! Booom!
At ikaw gung-gung na “Supplier,” na kasabwat ng ulupong na Barangay Opisyal, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Nakakainom ka ng alak, nakapambababae, nakapagsusugal ka na hindi mo pinaghihirapan ang perang ginugugol mo rito! Aba’y mahiya kayo sa balat ninyo! May karma ‘yan at tandaan n’yo, “Bato-Bato Balani ang tamaan ay sinungaling at amoy kambing! Yak! Hoy, galing ‘yan sa mahihirap nating kababayan na nagbabayad ng tamang buwis! At kung may katotohanan ang sumbong ng aking “PIPIT” mga ‘igan, kailangang maparusahan kayong mga “durobo” sa ating lipunan! Sabagay may magandang regalo sa inyong dalawa ang tadhana upang iligtas kayo kay satanas…ang sakit na DIABETES upang unti-unti kayong bawian ng pambili ng gamot! Hehehe…Kaya maraming Barangay ang marumi, mabaho at higit sa lahat nanggigitata ang paligid, dahil sa tulad ninyong magnanakaw! Itabi muna ang “Personal” na Interest . . . Kapakinabangan ng nakararami ang dapat na unahin! Tuldukan na ang katarantaduhan ng hindi na PAMARISAN!