Friday , November 15 2024

Armas, bala at droga sa Baseco Compound kompiskado ng CIDG-NCRPO

00 Bulabugin jerry yap jsyINUTIL na ba si Gen. Rolando Nana ng Manila Police District (MPD) o talagang untouchable para sa kanila ang Baseco Compound?!

Marami kasi ang nagtataka kung bakit ang CIDG sa NCRPO pa ang ‘naglinis’ sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila, kamakalawa gayong nariyan lang ang MPD?!

Bakit nga kaya?!

Ayon sa ating mga impormante, talagang nagulat daw ang mga taga-Baseco pero lalong nagulat ‘yung mga ilegalista kasi nga ‘sinalakay’ sila ng mga awtoridad.

Marami ang bumilib sa tapang ng CIDG-NCRPO dahil hindi sila natinag.

Kaya naman nagresulta ito sa kompiskasyon ng maraming armas gaya ng mga baril at bala, balisong at iba pang bladed weapon.

Hindi lang ‘yan… meron pang DROGA!

Naaresto rin ang hindi kukulangin sa 40 katao na hinihinalang sangkot sa iba’t ibang uri ng illegal na gawain.

Aba ‘e sa kahit anong anggulo tingnan, ang Baseco ay tila isla na ng mga illegal?

Gen. Nana, Sir, ano ba talaga ang nangyayari sa MPD?!

Kaya mo pa ba?!

Dating DILG Region 4A Director na ‘di nagpatupad ng suspensiyon vs Dondi, Assistant Secretary na?

MUKHANG nakaaamoy ng malansang isda ang mga taga-Tayabas sa promosyon ni dating Region 4A director JOSIE CASTILLA at DILG director Eric Damot.

Silang dalawa daw kasi ang dahilan kung bakit hindi naibaba ang suspensiyon laban kay Tayabas Mayor Dondi Silang at sa iba pang konsehal.

Mukhang sina Castilla at Damot umano ang mga kusinero sa ‘lutong-Makaw’ na desisyon.

Kaya hindi na umano sila nagtaka nang ma-promote pang Assistant Secretary si Castilla at si Damot naman ay inilipat sa Antipolo.

Ang galing-galing ninyong dalawa ha?!

Anyway, kaiingat kayo!

Alalahanin ninyo, eleksiyon na, tiyak naghahanda na ng pangganti ang mga constituent na pinaiikot –ikot n’yo lang.

Tsk tsk tsk.

Ang ‘Tuwad na Daan’ sa BI

HANGGANG ngayon, wala pa rin malinaw na statement si Bureau of Immigration Commissioner SigFraud ‘este’  Siegfred Mison sa ginawang ikalawang pagtakas (o pinatakas?) ni Korean Fugitive Cho Seong Dae diyan sa ISAFP detention center sa Camp Agui-naldo.

Ang nakapagtataka, bakit masyado yatang contained ang balita tungkol dito na maging si newly appointed SOJ Alfredo Benjamin Caguioa ay hindi raw yata na-inform agad sa nangyaring insidente?

Sinasabi na noong araw na muling hinuli si Cho Seong Dae at dinala sa ISAFP compound na nakaposas at nakapiring pa raw ang mga mata.

Pero sa halip umano na dalhin sa ISAFP detention center ay doon idiniretso sa isang safehouse sa loob din ng kampo.

Aba, Mr. Commissioner Integrity, mukhang kaduda-duda ang diskarte ng mga bataan mo?!

Isipin na lang, na bakit kinakailangang sa isang safe house dalhin si Cho Seong Dae kung walang ibang agenda ‘yang mga tao mo?

Say mo Kernel Kupas ‘este’ Tupas!?

Kung tactical interrogation ang plano ninyo sa Koreanong pugante, that should be done sa Investigation headquarters ng ISAFP at hindi siya itinatago sa isang kuwarto sa safehouse!

Sa totoo lang hindi naman dapat pahirapan ‘yan nang husto dahil noon pa, may info na  nagsalita si Cho at nagkuwento na raw kung sino ang mga involved sa kanyang unang pagtakas?!

Pero mukhang binalewala nina T/A for Intel Agtay at Tupas ang statement niya.

Bakit mga amigo, takot ba kayong may sumabit at masagasaan?

At ito namang si Miswa ‘este’ Mison, sa halip na bigyan ng sanction ang mga nagkasalang tauhan n’ya sa first escape ni Cho, ay dinala sa NAIA at na-increase pa ang kanilang sahod!

Sonabagan!!!

‘Yan ba ang ‘tuwad na daan’ pabebe-commissioner style!?

Surprise inspection sa ilang “Tutulog-Tulog” na MPD-PCP

MARAMI ang bumilib kay C/PNP Director General Ricardo Marquez sa kanyang dedikasyon at sipag sa pagtatrabaho para magsilbing isang magandang ehemplo sa kanyang mga tauhan.

Ang instruction ni DG Marquez sa kanyang mga pulis ay maging masipag sa pagpapatrolya sa lansangan at pagpasok sa tamang oras para mapagsilbihan nang maayos ang publiko sa pagpapatupad ng peace & order sa ating bayan.

Kaya naman hinihiling natin kay Chief PNP at sa NCRPO regional director na matingnan ang performance ng ilang PCP ng Manila Payola ‘este’ Police District.

May mga reklamo kasi na ipinarating sa atin na tila hindi maabot ng komunidad ang ilang opisyal ng MPD-PCP.

Lalo na kung peace & order at problema sa droga ang pag-uusapan sa kanilang mga area of responsibility.

Gaya na lang ng mga ilegalidad sa loob ng Baseco war zone ‘este’ compound na nasa ilalim ng DELPAN PCP.

Ang SMOKEY MOUNTAIN PCP, DON BOSCO PCP na lantaran ang bentahan ng ilegal na droga ng isang alias BARABAS.

At isang bagman cum kolektong alias Tata YUMALI!

Pakitingnan na rin ang ALVAREZ PCP na tila nanonood lang ng basketball sa tapat ng kanilang PCP?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *