Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Simpleng pamumuhay, sikreto ng pagsasama nina Mar at Korina

110415 mar roxas korina sanchez

00 SHOWBIZ ms mHINDI magarbo, bagkus simpleng pagdiriwang lamang ang ginawa nina Mar at Korina Roxas sa kanilang ika-anim na wedding anniversary.

Naikuwento ito ng isang kaibigang malapit sa mag-asawa at sinabing noong bisperas ng anibersaryo ng mag-asawa, Oktubre 26, isang tahimik at simpleng midnight snack na iniuwi ni Mar galing trabaho ang pinagsaluhan ng dalawa.

“Happy anniversary, honey! Look what I have,” sabi raw ni ni Mar na kinikilig na kuwento ni Korina sa aming kaibigan. Kaya pala kinikilig ay dahil dala nito ang pasalubong na gustong-gusto ni Ate Koring. Kasi naman daw, naalala rin nito ang ama niya na lagging nag-uuwi ng pasalubong sa kanya tuwing galing trabaho.

At sa araw ng kanilang anibersaryo, nagluto lamang daw si Korina ng katakam-takam at sikat na blueberry cheesecake bilang sorpresa kay Mar, habang pinadalhan naman siya ng kanyang mister ng malalaking dilaw na rosas.

Nakita nga namin ito sa official Instagram account ni Ate Koring na nag-post siya ng larawan nila ni Mar na kuha mula sa kanilang honeymoon sa Japan noong 2009. Kasabay din nito ang pag-post din niya ng pinakabago nilang larawan na may caption na pasasalamat sa Panginoon para sa anim na taon nila ni Mar sa masayang pagsasama.

“This was during our honeymoon in 2009 in Japan. I wish I could say life was simpler for Mar and me then. But life has never been simple for us, between politics and television. But time has passed by fast, and still, I seem to remember every moment,” ani Koring tungkol sa honeymoon photo. “Six years later, it might look even more complicated for us. But Mar and I have discovered the secret: simplicity is within both of us. True love should be simple. And it is what matters. Thank you Lord for our 6 years,” dagdag pa ni Korina na lubos ang kaligayahan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …