Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, ‘di raw siya ang ka-text ni Maja

110415 maja sam milby

00 SHOWBIZ ms m“I’M seeing someone right now,” ito ang paglilinaw ni Sam Milby sa press conference ng kanyang concert, ang The Milby Way na magaganap sa November 28 sa The Kia Theater, Cubao, Quezon City.

Nilinaw din ni Sam na hindi siya ang ka-text ni Maja Salvador matapos na sabihin ng aktres na mayroon siyang secret textmate.

Ikinabit ang pangalan ni Sam sa secret textmate ni Maja dahil muntik na rin pala itong ligawan ng singer/actor.

“She was someone I tried to pursue before,” pag-amin ni Sam na nangyari raw ito noong hindi pa nagkakaroon ng relasyon sina Maja at Gerald Anderson.

“But we’re friends now,” dagdag pa ni Sam at sinabing mayroon silang parehong grupo ng kaibigan ni Maja.

“She’s a real person and I really admire her as a person. She is someone I wanted to go for before, hindi lang nangyari,” ani Sam.

Sinabi pa ni Sam na nagparamdam siya noon kay Maja subalit hindi na nga lang sila nagkatuluyan.

Samantala, makakasama sa The Milby Way concert ni Sam ang kanyang mga kaibigang sina Piolo Pascual, Yeng Constantino, Gerald Anderson, Enchong Dee, Rayver Cruz, Angeline Quinto, KZ, at John Prats.

Para sa tickets ng The Milby Way, log on to www.ticknet.com.ph.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …