Friday , November 15 2024

Move on Mr. President!  — Bongbong

00 Bulabugin jerry yap jsyIMBES makipag-away kay Sen. Bongbong Marcos, bakit hindi na lang pagtuunan ng pansin ni Pangulo Benigno Aquino kung paano niya  malulutas ang problema ng Filipinas tulad  ng mataas na presyo ng bilihin, koryente, tubig, bigas at mababang sahod ng mga manggagawa.

At ang trending sa buong mundo na ‘laglag-tanim-bala’ sa airport!

Sa halip na manawagang humingi ng “I am sorry” si Bongbong sa ginawang pagdedeklara ng Batas  Militar ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, mas makabubuting harapin na muna ni Aquino ang kasalukuyang problema ng taong bayan.

Ano ba ang nangyayari kay PNoy, kung tutuusin kasi, wala naman dapat ihingi ng sorry si Bongbong sa nangyaring pagdeklara ng martial law ng kanyang amang si Marcos.

Kung meron man, ang kailangan humingi ng paumanhin ay walang iba kundi si Aquino, lalo na sa usapin ng pagkakapatay sa 44 miyembro ng SAF na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng katarungan.

Hindi sapat na sabihin lang ni Aquino na inaako niya ang responsibilidad sa pagkamatay ng SAF-44 kundi dapat direkta siyang humingi ng tawad sa publiko, higit pa sa mga naulila ng mga napaslang na miyembro ng special forces.

Hindi lang sa isyu ng Mamasapano massacre kailangan mag- sorry si Aquino.  Paano naman ang iba pang mabibigat na isyu gaya ng DAP, Zamboanga massacre, Yolanda victims, ang pagkontra niya sa pagpapababa sa income tax, ang pangakong nakabinbin na Freedom of Information Bill, ang patuloy niyang “Noynoying” at iba pang mga kapalpakan ng gobyernong Aquino lalo na sa Bureau of Immigration.

Gaya nang pag-appoint ng isang greencard holder na mamuno ng ahensiyang ito?!

Unahin na muna ni Aquino ang mag-sorry sa kanyang pagkukulang sa publiko bago niya hamunin na humingi ng sorry si Bongbong. 

Malinaw ang pahayag ni Bongbong na wala naman siyang sinasaktan o nagawang krimen kaya paano umano siya magso-sorry sa taong bayan.

May punto naman ‘di ba?

Vindictive ba talaga si Aquino? Hindi marunong magpalagpas at talagang may katotohahanan talaga ang sinasabing merong hindi magandang pag-uugali at mapagtanim ng galit sa kapwa ba talaga si Noynoy?

Parang lumalabas na ‘Boy Resbak’ si Aquino.

Ang trip lagi ay makipag-away sa hindi niya kakampi at kapartido. Move on na dapat si Aquino at unahin na lang ang kalagayan ng mga api niyang kababayan.

Kung magagawa ni Aquino sa kanyang nalalabing mga buwan ng panunungkulan na matulungan ang mahihirap, sa palagay ko ay mas may magandang imahe siyang iiwan sa taong bayan.

Again Mr. President, please move on!

Demoralisado na ang DOTC-OTS personnel dahil sa ‘TANIM-BALA’

MUKHANG naging malaking isyu na ang ‘TANIM-BALA.’

Pati mga kaibigan at kamaganak namin sa ibang bansa ay nagtatawagan at nababahala kung ligtas pa ba na magbakasyon sa ating bansa.

Hindi kasi naaresto kaagad ang nasabing problema. Muntik pa ngang sabihin ni Presidential Communication Secretary Sonny Colokoy ‘este’ Coloma na ‘isolated cases’ ang mga sunod-sunod na insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Alam n’yo ba kung ano ang rason niya?

Kasi, libo-libo daw po ang pasahero sa apat na terminal ng NAIA, ‘e iilan lang naman ‘yung mga nasisita na mayroong dalang bala.

Sonabagan!!!

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang mabasa ko ang katuwirang ito ni Sec. kolokoy ‘este’ Coloma.

Hindi na tayo magtataka kung bakit tinawag na gago (stupid) ni dating Congressman Golez si Coloma dahil sa mga palusot n’ya.

Pero, mas concerned po tayo ngayon sa sentimyento ng mas maraming Airport personnel.

Dahil nga sa pagbabalewala ng kaukulang awtoridad— Department of Transportation and Communications – Office for Transportation Security (DoTC-OTS) sa nasabing isyu, ‘e nagalit na ang sambayanan sa lahat ng mga taga-airport.

Ang sumbong nga sa inyong lingkod, mukhang nanganganib na rin ang seguridad nila.

Kasi makita lang daw sila ng mga tao, ang sinasabi agad, “Ayan na , ayan na, ‘yung mga tanim-bala!”

Paulit-ulit nating sinasabi na dapat nang ares-tohin ni DoTC Secretary Jun Pabaya ‘este’ Abaya ‘yang problemang ‘yan. Hindi nila pwedeng hayaan na lang.

Lalo na ngayong marami nang espekulasyon ang kumakalat dahil sa isyung ‘yan.

Mayroong nagsasabi na mga tao umano ng nagdaang administrasyon na ipinasok diyan sa NAIA ang gumagawa niyan.

Mayroon namang nagsasabi na, ‘political spin’ umano ‘yan para ma-divert ang atensiyon ng mamamayan.

‘Yung iba naman ang sabi, trabaho raw ng international drug syndicate para malaya silang makakilos sa NAIA  at ang mga kasapakat nila.

Kaya nga raw nakalusot ‘yung apat na Pinay sa NAIA na may dalang cocaine pero naaresto at hindi nakalusot sa Hong Kong.

Ang daming espekulasyon, ‘di ba?!

‘Yan ay dahil sa makupad na aksiyon ng DoTC-OTS. Trabaho po ng DoTC ‘yan. Malinaw naman ‘di ba!? Office for Transportation Security (OTS).

Sila dapat ang unang nag-troubleshoot. Kung inasikaso nila agad ‘yan, hindi na siguro aabot sa ganyang kalaking isyu ngayon.

Kaya nga nagtataka tayo kung bakit mayroong ‘call’ na mag-resign si Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Bodet Honrado gayong ang may pangunahing responsibilidad d’yan  ay si Secretary Jun Abaya!

Aba, Secretary Jun, kumibo ka naman, nalalagay na sa alanganin ang mga empleayado ng iba’t ibang ahensiya sa NAIA, pero wala pa rin kayong ginagawa?!

Bakit nga?!

Paki-explain!!!

Ang ‘misplaced sensitivity’ ni ARMM Gov. Mujib Hataman

‘YAN nga siguro ang right term, “misplaced sensitivity.”

Hindi kasi natin maintindihan kung ano ang sentimyento ni ARMM Gov. Mujib Hataman sa pagsusuot nina Joey De Leon at Tito Sotto ng Arab costumes.

Wala naman tayong nakitang pambabastos sa ginawa ng dalawang host ng Eat Bulaga.

Kasi kung umaangal si Gov. Hataman sa pagsusuot nina Joey & Tito ng kanilang costumes, dapat ganoon din ang maging sentimyento nila sa mga pelikula o mga programa sa telebisyon na gumagamit ng kanilang costumes?!

Bakit naman sina Joey & Tito lang inupakan niya at pilit na pinahihingi ng apology?!

Tama ba ‘yun?!

‘E sa totoo lang, hindi ba’t isang porma rin iyon ng promosyon ng Arab culture?!

Nauunawaan natin ang malasakit ni Gov. Hataman sa kanilang relihiyon at kultura.

Pero sana lang nga, ilugar naman ang mga reaksiyon. Huwag naman masyadong OA ‘di ba?

‘Di ba, Gov. Hataman.

“Erap” VK nina Berting nananalasa sa Maynila!

KA JERRY, untouchable ho talaga ang ERAP VIDEO KARERA nina BERTING, PO1 BIG BOY at TATA BUTCHOY dahil sagasa ang lahat ng operator. Timbrado na ho sa lahat ‘yan kaya kahit anong banat nyo hndi hinuhuli cla. May isang kernel nasa likod ng video karera ops nila. Dapat si Mayor Erap na ang umaksiyon laban sa Erap VK. +63915868 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *