Demoralisado na ang DOTC-OTS personnel dahil sa ‘TANIM-BALA’
Jerry Yap
November 4, 2015
Bulabugin
MUKHANG naging malaking isyu na ang ‘TANIM-BALA.’
Pati mga kaibigan at kamaganak namin sa ibang bansa ay nagtatawagan at nababahala kung ligtas pa ba na magbakasyon sa ating bansa.
Hindi kasi naaresto kaagad ang nasabing problema. Muntik pa ngang sabihin ni Presidential Communication Secretary Sonny Colokoy ‘este’ Coloma na ‘isolated cases’ ang mga sunod-sunod na insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Alam n’yo ba kung ano ang rason niya?
Kasi, libo-libo daw po ang pasahero sa apat na terminal ng NAIA, ‘e iilan lang naman ‘yung mga nasisita na mayroong dalang bala.
Sonabagan!!!
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang mabasa ko ang katuwirang ito ni Sec. kolokoy ‘este’ Coloma.
Hindi na tayo magtataka kung bakit tinawag na gago (stupid) ni dating Congressman Golez si Coloma dahil sa mga palusot n’ya.
Pero, mas concerned po tayo ngayon sa sentimyento ng mas maraming Airport personnel.
Dahil nga sa pagbabalewala ng kaukulang awtoridad— Department of Transportation and Communications – Office for Transportation Security (DoTC-OTS) sa nasabing isyu, ‘e nagalit na ang sambayanan sa lahat ng mga taga-airport.
Ang sumbong nga sa inyong lingkod, mukhang nanganganib na rin ang seguridad nila.
Kasi makita lang daw sila ng mga tao, ang sinasabi agad, “Ayan na , ayan na, ‘yung mga tanim-bala!”
Paulit-ulit nating sinasabi na dapat nang ares-tohin ni DoTC Secretary Jun Pabaya ‘este’ Abaya ‘yang problemang ‘yan. Hindi nila pwedeng hayaan na lang.
Lalo na ngayong marami nang espekulasyon ang kumakalat dahil sa isyung ‘yan.
Mayroong nagsasabi na mga tao umano ng nagdaang administrasyon na ipinasok diyan sa NAIA ang gumagawa niyan.
Mayroon namang nagsasabi na, ‘political spin’ umano ‘yan para ma-divert ang atensiyon ng mamamayan.
‘Yung iba naman ang sabi, trabaho raw ng international drug syndicate para malaya silang makakilos sa NAIA at ang mga kasapakat nila.
Kaya nga raw nakalusot ‘yung apat na Pinay sa NAIA na may dalang cocaine pero naaresto at hindi nakalusot sa Hong Kong.
Ang daming espekulasyon, ‘di ba?!
‘Yan ay dahil sa makupad na aksiyon ng DoTC-OTS. Trabaho po ng DoTC ‘yan. Malinaw naman ‘di ba!? Office for Transportation Security (OTS).
Sila dapat ang unang nag-troubleshoot. Kung inasikaso nila agad ‘yan, hindi na siguro aabot sa ganyang kalaking isyu ngayon.
Kaya nga nagtataka tayo kung bakit mayroong ‘call’ na mag-resign si Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Bodet Honrado gayong ang may pangunahing responsibilidad d’yan ay si Secretary Jun Abaya!
Aba, Secretary Jun, kumibo ka naman, nalalagay na sa alanganin ang mga empleayado ng iba’t ibang ahensiya sa NAIA, pero wala pa rin kayong ginagawa?!
Bakit nga?!
Paki-explain!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com