Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden Richards, idineklarang Pambansang Prince Charming ng Snow Caps

102815 alden richards

00 Alam mo na NonieSOBRANG tindi ng kasikatan ngayon ni Alden Richards mula nang pumutok ang Kalyeserye nila sa Eat Bulaga nina Yaya Dub aka Maine Mendoza at tatlong Lola. Bukod sa noontime show ng TAPE Incorporated, patok din ang album ni Alden, kaliwa’t kanan ang commercials niya, at kasama rin siya sa pelikulang My Bebe Love (Kilig pa More) na isa sa entry sa Metro Manila Film Festival 2015 na tinatamapukan ni Vic Sotto at Ai Ai delas Alas, plus Yaya Dub.

Ayon sa Kapuso aktor, ipinagdasal niyang duma-ting ang araw na ito, ngunit hindi niya raw inaasahan na ganito kabilis at katindi ang suwerteng darating sa kanya.

“I prayed for this moment sa career ko po, ipinagdasal ko siya na dumating. Pero hindi ko naman po ini-expect na it would happen this fast. So, every day na magho-host ako sa Eat Bulaga, iyong mga tao, I still get overwhelmed,” saad niya.

Aminado si Alden na isa siyang workaholic. Kaya kahit sobrang hectic ng kanyang schedules ay walang kaso ito sa actor. “It’s my decision po to do these schedules, to commit myself to a lot of schedules, kasi workaholic po ako. Hinahanap siya ng katawan ko every time, so I really don’t mind. Okey naman po ako makatulog lang ng eight hours, kaunting masahe, kaunting gym, okey na po ako,” nakangiting wika ni Alden.

Kamakailan, ipinakilala si Alden bilang endorser ng Snow Caps Glutathione Capsule. Ika-walong endorsements na pala ito ni Alden. Nilinaw ni Alden na ang Snow Caps ay hindi lang pampaputi, kundi mabisang anti-oxidant din. “Before po kasi, mga multivitamins ang iniinom ko. At least ngayon po, mayroon nang pandagdag sa mga iniinom ko to boost my immune system. Kasi hindi lang naman siya whitening talaga. Ang glutathione is really an antioxidant.

“Iyong whitening is the good side of it. So, nakatulong lang din. It’s best to take it in the morning, kasi ‘yun ang peak ng stress level natin. They have stabilized my mood everyday. Of course at the same time, it’s anti-oxidants.”

Ukol naman kay Maine, sinabi ni Alden na nasa getting to know each other stage sila ngayon ng dalaga. “I’m starting to get to know her more and, I think, it’s gonna be… Masarap siyang katrabaho. Totoo siyang tao, e. Hindi fake. Hindi siya showbiz,” esplika ng aktor na binansagang Pambansang Prince Charming ng Snow Caps Glutathione.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …