Friday , November 15 2024

2 miyembro ng robbery gang itinumba ng lider

 

PATAY ang dalawang miyembro ng notoryus na grupo ng mga magnanakaw makaraang pagbabarilin ng kanilang lider at iba pang mga tauhan sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Agad binawian ng buhay si Buenaventura Velasquez, alyas Jong-Jong, 26, ng 69 Doña Aurora St., Area D, Brgy.177, Camarin, habang hindi na umabot nang buhay sa Tala Hospital si Rolando Querol, alyas Bobong, 25, ng Block 8, Lot 4, Anna Maria Heights ng nasabing barangay.

Pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na si Erick Mayoni at kanyang mga tauhan, mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.

Batay sa ipinadalang ulat ni Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan Police, naganap ang insidente dakong 2 a.m. sa kanto ng Sto. Niño at Sunflower Streets, Sitio Maligaya, Brgy. 177, Camarin.

Nauna rito, umatake ang grupo ng mga magnanakaw sa Quezon City at nakakulimbat nang malaking halaga ng pera at mga alahas ngunit hindi pinartihan ni Mayoni sina Velasquez at Querol.

Bunsod nito, hinanting ng dalawang biktima si Mayoni at nabaril sa hita ang lider ngunit nakatakas.

Muling bumuo ng grupo ang lider at hinan-ting ang dalawa at nang matiyempohan ay agad pinagbabaril.

About Rommel Sales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *