Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SITF Jose binuo ng QCPD

BUMUO agad ang Quezon City Police District (QCPD) ng Special Investigation Task Force (SITF) Jose para magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pagpaslang kay Jose Bernardo, reporter ng DWIZ at kolumnista ng Bandera Pilipino.

Ayon kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD director, si Sr. Supt Danilo Bautista,  QCPD Deputy District Director for Administration (DDDA) ang mamuno sa Task Force habang pinangunahan naman ni  Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit, ang pangangalap ng ebidensiya.

Anang opisyal, katuwang ng CIDU sa TF Jose ang Criminal Investigation and Detection Group Quezon City Field Office.

Ayon kay Marcelo, dalawang anggulo ang kanilang iimbestigahan para sa ikalulutas ng kaso. Aalamin nila kung ang pagpaslang ay may kaugnayan sa trabaho ng biktima o kung ito ay personal na away.

Ngunit ayon kay Marcelo, sa nakalap nilang impormasyon base sa ilang messages mula sa narekober na cellphone ng biktima, may kapalitan ng text message ang biktima hinggil sa isang negosyo ilang araw bago ang nangyaring krimen pero inaalam pa ng CIDU kung may kinalaman ito sa krimen.

Nilinaw ng opisyal na nangangalap pa sila ng ebidensiya kung may kinalaman sa krimen ang huling nakapalitan ng text message ng biktima. Aniya, hindi pa rin nila ikinokonsiderang suspek ang biktima.

Matatandaan, si Bernardo ay pinagbabaril ng isa sa dalawang suspek sakay ng motorsiklo nitong Oktubre 31, 2015 ng gabi sa harap ng isang fastfood sa Zabarte Road, Barangay Kaligayahan, QC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …