Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Point guard ng NU Player of the Week

110315 j jay alejandro
KRUSYAL ang 81-73 na panalo ng National University kontra De La Salle sa UAAP Season 78 noong Miyerkoles bago ang pahinga ng liga dulot ng Undas.

Malaking tulong para sa Bulldogs ang point guard na si Jay-J Alejandro sa panalo nila kontra Green Archers dahil napanatili ng NU ang maliit na tsansang makapasok sa Final Four at mapanatili ang kanilang titulo sa UAAP Seniors na napanalunan nila noong isang taon.

Nagtala si Alejandro ng 25 puntos, 17 sa huling quarter, kung saan binura ng NU ang doble pigurang kalamangan ng La Salle sa ikalawang quarter.

Dahil dito, napili si Alejandro bilang Player of the Week ng UAAP Press Corps.

“Kailangan ko mag-step up,” wika ni Alejandro na dating manlalaro ng Mapua Red Robins. “Si Pao (Javelona), foul trouble, tapos na-sprain pa si Kyle (Neypes), so siguro, ‘yung mindset ko lang is kung ano ang maitutulong sa team, gagawin ko lang.”

Sa ngayon ay may limang panalo at pitong talo ang Bulldogs kaya naniniwala si NU coach Eric Altamirano na hindi pa tapos ang laban.

“Alam naman ni Jay ang role niya sa team, and he’s really doing it to the hilt. Siya ‘yung spark namin ngayon, so we’ll ride on his back right now,” ani Altamirano.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …