Thursday , December 26 2024

No ifs, no buts ang aksiyon ni QCPD Director C/Supt. Edgardo Tinio

00 Bulabugin jerry yap jsyWALANG palusot pagdating sa pagganap ng kanyang tungkulin ang isa pang magiting na HENERAL ng Philippine National Police (PNP) na si Quezon City Polic District director, Chief Supt. Edgardo G. Tinio.

Natuwa tayo sa agad na aksiyonheneral nang buuin niya ang Special Investigation Task Force (SITF) Jose para magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pagpaslang kay Jose Bernardo, reporter ng DWIZ at DWBL at kolumnista ng lokal na pahayagang Bandera Pilipino.

Nang ipaabot po ni Roland Bula ang insidente ng pamamaslang kay Bernardo na isa sa opisyal ng kanilang organisasyon, agad po tayong nakipag-ugnayan kay Gen. Tinio.

(Maraming salamat po Gen. Tinio sa pag-acknowledge ninyo sa pagtawag namin sa inyo…)

Sa lahat po ng mga opisyal ng pulis na nakausap natin, no ifs, no buts po ang naging sagot ni Gen. Tinio at ipinakita at ipinaramdam niya sa inyong lingkod na siya ay pulis na maaasahan.

Ang una po niyang sinabi, kakausapin po nila ang pamilya ng biktima at titingnan nila ang mga CCTV camera sa nasabing area bilang pasimula ng kanilang imbestigasyon.

Agad pong itinalaga ni Gen. Tinio, si Sr. Supt Danilo Bautista,  QCPD Deputy District Director for Administration (DDDA) para mamuno sa Task Force habang pinangunahan naman ni  Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit, ang pangangalap ng ebidensiya.

Katuwang ng CIDU sa TF Jose ang Criminal Investigation and Detection Group Quezon City Field Office.

Sa umpisa pa lang, dalawang anggulo agad ang iimbestigahan para sa ikakulutas ng kaso. Aalamin nila kung ang pagpaslang ay may kaugnayan sa trabaho ng biktima o kung ito ay personal na away.

Ngunit ayon kay Marcelo, batay na rin sa nakalap nilang impormasyon sa ilang messages sa narekober na cellphone ng biktima, may kapalitan siya ng text message hinggil sa isang negosyo ilang araw bago nangyari ang krimen.

Nangangalap pa rin sila ng ebidensiya para malaman kung ano ang kaugnayan sa krimen ng huling nakapalitan ng text message ng biktima.

Alam naman nating hindi ganoon kadali ang haharaping mga problema sa nasabing imbestigasyon, pero alam n‘yo po bang ‘yung mabilis na aksiyon ni Gen. Tinio ay malaking bagay na sa pamilya ng biktima sa hanay ng mga mamamahayag?!

Nakatutuwa po talaga ‘yun. Sabi nga ‘e kahit paano ay nakababawas ng pagdadalamhati at takot sa pamilya ng biktima.  

Muli po, nagpapasalamat kami sa mabilis na aksiyon, General Tinio…

Mabuhay po kayo!

Alias Kolokoy Galebo nagpapakilalang pangkalahatang kolektong sa manila vendors (DILG, INTEL, CIDG/CIDU ipinangongolektong rin!?)

MARAMI ang nagtatanong kung saan daw ba kumukuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob ang isang alias KOLOKOY GALEBO para hawakan ang TANGGA mula sa pobreng vendors sa teritoryo ni MPD district director Rolly Nana.

Itong si Kolokoy a.k.a. Boy Sagasa ay dating apprentice lang ng isang kotong cop na si alias Sarhentong Boy Wong-bu na kilabot rin sa paghawak ng tara y tangga mula sa mga vendors para tsaptsapin sa mga bossing sa MPD.

Pero nang natuto at tumalas na ang dating bata-batuta ay nagsolo-lakad at gumagawa na ng sariling butas si Kolokoy!  

Base sa sumbong na ipinarating sa BULABUGIN, kasama sa lakad at ipinangongolektong ni Kolokoy ang MPD ODD, INTEL, CIDG/CIDU, GAS at pati DILG pero ang duda ng souce natin, walang alam ang mga opisyal nito sa mga katarantaduhan ginagawa ni Kolokoy!?

Totoo ba ‘yun mga sir?

Gen. Rolly Nana, pwede ho bang kapain n’yo kung sino ang amo, pamato, at mga hinahatagan ni Kolokoy diyan sa MPD headquarter??

May TIP pa ko sa inyo sir, ang talagang forte raw nitong si alias Kolokoy ay mga pabrika ng pekeng diploma at public documents diyan sa Recto university.

Kilalang-kilala siya ng vendors doon dahil matagal na silang ginagawang ‘gatasan!’

C/PNP Dir. Gen. Ricardo Marquez, ano kan’yo ang gagawin n’yo sa mga ganitong klaseng pulis?

Incentive instead of punishment (Sa mga nagpatakas ‘este’ natakasan ng puganteng Koreano!)

After raw ng bulilyaso galore dahil sa the first great escape ni Cho Seong Dae, featuring mga tuta ‘este’ bata ni BI Comm. Fred “greencard” Mison diyan sa Immigration Warden’s Facility sa Bicutan, agad-agad daw ini-relieved ang warden pati lahat ng mga assigned personnel doon.

Siyempre, priority sa listahan ang mga trusted kulisap ni pabebe-commissioner but hold your breath guys…

Lahat daw ay ini-assign sa tatlong airports ng NAIA?!

Pakengshet!!! NAIA??

Akala ko ba pag may nagkasala o bulilyaso ‘e deretso tapon agad sa Border Crossing stations gaya ng mga pinag-initan niyang Immigration Officers at Intel agents?

Bakit imbes administrative sanction ay tila incentive pa ang biyayang ipinagkaloob ni Pareng Sigfraud ‘este’ Sigfred Mison sa kanila!?

Tama ba Bisor Rico Pedrealba?

You’re one of a kind talaga, Pareng Fred Mison.

Kaya naman pala haling na haling sa iyo si Lady Valerie C.

Isipin mo, imbes sibakin dahil sa kanilang gross negligence at infidelity in the custody of a prisoner ‘e talagang pinaboran mo pa sila at itinaas ang mga suweldo (overtime pay)?!

What the fact!?

Kaya lang it seems,  na sablay ka na naman, Pareng Fred Mison? Kung kaya ng mga taong iyan na pakawalan ‘este’ matakasan ang isang tao sa detention, what more pa na mas maraming pwedeng pakawalan o palusutin sa NAIA!?

Aba’y piyestang-piyesta ang mga sanababits na ‘yan.

Again, may I ask you Mr. Commissioner Miswa ‘este’ Mison, is this also a part of your slogan “good guys in, bad guys out?”

Pwe!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *