Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra, Alaska, Mahindra patungong Dubai

020415 PBA
PAALIS na ngayon ang Barangay Ginebra San Miguel, Alaska Milk at Mahindra patungong Dubai para sa dalawang larong gagawin doon para sa PBA Smart Bro Philippine Cup.

Maglalaban ang Aces at Enforcers sa Sabado, Nobyembre 7 at kinabukasan ay maglalaban ang Aces at Gin Kings sa dalawang laro sa Dubai kung saan sisikapin ng tropa ni coach Alex Compton na mapanatili ang kanilang malinis na kartang 2-0.

Huling naglaro ang PBA sa Dubai noong Governors Cup kung saan sumabak doon ang Ginebra, Rain or Shine at Globalport.

Kinuha ng Alaska ang rookie ng Letran na si Kevin Racal bilang pangdagdag sa kanilang lineup.

Si Racal ay naging bida sa pagkakampeon ng Knights sa NCAA Season 91 kamakailan.

Samantala, kinompirma ni PBA Media Bureau Chief Willie Marcial na dadayo ang liga sa Taipei sa Governors’ Cup sa susunod na taon at planong bisitahin ng liga ang Qatar at Saudi Arabia.

“We’ve had initial talks with the Qatar and Saudi groups. They have expressed clear intention to host PBA games. Our prospective Qatar host is the Qatar basketball federation, no less,” wika ni Marcial.

Simula sa Linggo, Nobyembre 8 ay dadayo ang PBA sa Philsports Arena sa Pasig para sa apat na playdates doon.

Ang Philsports o dating ULTRA ay naging venue ng liga noong dekada ’80.

Sinabi ni PBA Deputy Commissioner Rickie Santos na ayos na ang bubong, dugout at aircon ng PhilSports para maging mas kaaya-aya ang panonood ng mga laro roon.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …