Saturday , November 23 2024

Resbak ni Grace kay ping para kay FPJ?

00 Bulabugin jerry yap jsyBILOG talaga ang mundo.

Umiikot sa tamang panahon.

Sabi nga sa Ingles, “What goes around, comes around.”

Sakto raw ngayon ‘yan kay Ping Lacson.

Humaba raw kasi ang nguso at biglang nanlaki ang mata ni Ping nang isampal sa mukha niya ang katotohanang hindi siya isinama/kasama sa senatorial line-up ni presidential wannabe Senator Grace Poe.

Hindi si Ping dahil si Edu Manzano ang mas pinili ni Madam Grace para sa kanyang line-up.

At doon sumambakol ang mukha ni Ping.

Pambihira rin itong si Ping…naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang independent candidate pero isinama ng Liberal Party at ng opisisyon sa kanilang line-up tapos nang palitan ni Madam Grace in favour of Edu Manzano, nagalit pa?!

‘E hindi ba independent candidate nga!?

Anak ng kuratong talaga!

Sayang naman ang image na Mr. Clean & Gentleman nitong si Ping kung dahil lang sa pagtanggal sa kanya ni Madam Grace sa line-up ay parang nagmamarkulyo siyang parang bata?

Tsk tsk tsk…

Parang may malalim na pinaghuhugutan.

On second thought, hindi kaya niresbakan lang ni Madam Grace si Ping sa ginawa niya noon kay Fernando Poe Jr?!

Hindi ba’t bigla rin iniwanan ni Ping si FPJ noong 2004 elections?!

‘Yan na nga ba ang sinasabi ng kasabihan… “What goes around, comes around.”

Huwag mang-agrabyado ng kapwa dahil tiyak may araw ng paniningil…

Higit sa lahat, huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin rin sa ‘yo.

‘Yun lang po!

Divisoria-Soler PCP berdugo sa mga vendor!

BARBARIKO at tila umano tigreng gigil sa karne ang ilang pulis na nakatalaga sa MPD RECTO-SOLER PCP.

Nasaksihan kamakailan ang bagsik ng PCP Soler sa ilalim ni punyente  ‘este’ Tinyente ELMER GUTIERREZ at ilang bataan niya nakaraang Martes. alas-onse umaga.

Imbes na unahing patabihin ang vendors sa paligid at mismong sa harapan ng Soler outpost ‘e tila mga bulag na nilaktawan ang mga pasaway na vendors na alaga at hawak ni  alias Sarhentong Jmy Soriyano!

Kahit sobra-sobra ang sukat ng latag ng paninda at naghambalang sa kalsada ay hindi sinisita ng Soler outpost dahil hawak umano ito ng TF-organized kotong-vendors?!

 Ang pinuntirya ng tropa ni Tinyente Gute, ang mga maralitang maninininda.

Hindi lang winalis at hinakot ang kanilang paninda kundi tratong-kriminal na kinaladkad at pinosasan pa ang ilang pobreng vendors.

Sonabagan!!!

Katwiran ng mga Gestapo ‘este’ pulis-Soler outpost,  pumapalag at lumalaban daw ang mga vendors kaya pinosasan nila!?

Sanamabits!!!

Sinong vendor ang hindi aalma at papalag na bukod sa laki na nga ng tara y tangga na kinokolektong sa kanila ay hinuhuli, tinatakot at pinahihirapan pa!?

Take note MPD media-on-line hao-shiao sulsoltant:

Mabuti na lang daw at nakarating kaagad sa kaalamanan ng MPD PS-11 station commander ang brutal na trato sa mga vendor kaya’t ipinag-utos agad nito na pakawalan ang pobreng vendors.

Tatanungin ko lang si MPD chief Gen. Rolly Nana sir, nagbabawas ba kayo ng boto ni Yorme Erap!?

‘Yun na!!!

Happy Birthday Ka Eduardo Manalo!

ISANG mabiyaya at mapagpalang araw ang hangad natin sa dakilang araw na ito ng kapanganakan ni Ka Eduardo Manalo.

Batid nating daig pa ng bagyong Yolanda ang dumaluyong sa Iglesia Ni Cristo (INC) kamakailan.

Pero matatag nila itong nalampasan at alam natin na unti-unti ay kanilang naisasaayos ang nasabing krisis.

Pero, sabi nga, lahat ng matatag na organisasyon ay dumaraan sa krisis para lalo pang tumibay at maging matatag.

Muli, isang makabuluhan at maligayang kaarawan, Ka Eduardo!

MIAA employees bakit laging delay ang sweldo?

GOOD am sir Jerry, pls help us to inform GM Honrado bakit laging delay ang sweldo namin dto sa airport. Kami ay organic MIAA employee pero talo pa kami ng LBP  na twing 13 at 28 ay may sahod na. Kami laging nganga. Concerned Aairport Employee. Pls hide my number. +639182445 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *