Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza Soberano, pinuri sa pelikulang Everyday I Love You

103015 Direk Mae gerald liza enrique

00 Alam mo na NonieMAGANDA ang feedback sa young star na si Liza Soberano sa kanilang pelikulang Everyday I Love You. Marami ang pumuri sa acting at professionalism ni Liza sa pelikulang ito na showing na nga-yon at tinatampukan din nina Enrique Gil at Gerald Anderson.

Pati mga kasamahan sa panulat ay pinupuri ang masipag na alaga ni katotong Ogie Diaz dahil bukod sa maganda at mabait, magaling din umarte.

Pati ang co-star na si Gerald ay bilib kay Liza, “Si Liza kasi madalas kong ka-eksena, talagang binibigay niya lahat kahit pagod siya. So, at a very young age, 17 pa lang siya, nakakatuwa na sana hanggang sa pagtanda niya, hanggang sa gusto niya sa career niya, sana ganoon siya. Kasi, she can go a long way sa ganoong klaseng attitude,” saad ng aktor sa isang panayam.

Incidentally, humataw sa takilya sa first day ng showing ng Everyday I Love You na pinamahalaan ni Direk Mae Cruz-Alviar, nang kumita ito ng higit P16 million, ayon sa Star Cinema. Mas malaki ang opening day gross nito kompara sa unang tambalan nina Liza at Enrique na Just the Way You Are na kumita naman ng P12 million.

Anyway, talagang hindi na nga maawat sa paghataw ang career ni Liza dahil malakas ang balitang sa pag-atras ni Angel Locsin sa papel na Darna dahil sa spine problem nito, si Liza raw ang napipisil na gawing bagong Darna ng mga bossing ng ABS CBN.

Kapag natuloy ito, lalong magiging selyado na ang pagi-ging big star ni Liza sa showbiz industry.

 ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …