Best seller nila ang hair fragrance na may apat na scents: Mori, Sakura, Sayaka, at Hime at nagkakahala ng P350.
“Ako ang nakaisip nito dahil sa frequent na pa-travel ko sa Japan. So, dinala ko rito, pero ni-reformulate ko para maging mababa ang price.
“Kasi siyempre, sa Japan ay mahal, e. Pero ang maganda rito, ang mga ingredients namin ay imported. Galing sa France, US, at Australia. Dito ginagawa sa ating bansa, Actually, kaunti lang ang mark-up ko, ang habol ko lang talaga ay ‘yung volume,” wika ni Shiela.
Kailan nag-start ang Essensu?
Nag-start ito last October 9 sa kiosk sa Fishermall. Pero iyong fragrance ko sa hair, last year pa existing na siya at nabibili sa all Skin Perfect branches.
“Pero before December, magkakaroon din ng kiosk sa Robinson’s Galleria at Manila, at sa SM North EDSA.”
Sinabi ni Ms. Shiela ma maganda ang sales nila dahil affordable at competitive ang price ng Essensu products. Sinabi rin ni-yang bagay na bagay itong panregalo sa Christmas season, birthday at give-aways na rin sa Yuletide season.
Ayon naman sa marketing manager ng Essensu na si Ms. Ian Buenaventura, nang na-feature ang Essensu sa Kris TV ay naubos ang stocks nila ng Sayaka hair fragrance.
Ang iba pang products nila ay MILKY POPS: Php 85/Php 105, ICY POP: Php 75 / Php 95, Foaming Treat: Php 150, Essensu Varisty-P105, Essensu Air Mist-P280, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio