Monday , December 23 2024

DOTC-OTS ano’ng ginagawa laban sa tanim-bala?!

laglag baryaMUKHANG gusto natin maniwala na mayroong ‘sabotaheng’ nagaganap sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kailangang pagtuunan ng pansin ng mga awtoridad.

Sa kabila ng sunod-sunod na insidente ng binansagan na ngayong ‘tanim-bala’ scam sa NAIA ay nakapagtataka ang pananahimik ng Department of  Transportation and Communications (DoTC) lalo ng mga itinalaga nilang tao mula sa Office of Transportation Security (OTS).

Hindi natin maintindihan kung ano pa ang papel ng DoTC-OTS sa NAIA terminals kung sunod-sunod ang ganitong mga insidente.

Ang mga taga-DoTC-OTS kasi ang itinalagang  ‘frisker’ o tagakapkap sa mga pasahero.

Ito po ‘yung matagal na nating isinusulat na masyadong unsafe at unsanitary ang ginagawang frisking ng mga taga-DoTC-OTS noon. 

Kapag nagpi-frisk sila, wala silang ginagamit na gloves. Ang daming random acitivities ng kamay ng isang tao sa loob ng isang araw, pwedeng nangulangot, suminga, umihi, nagkamot ng puwet, nagkamot ng ulong may balakubak (fungal ‘yan, nakahahawa) at iba pa, tapos biglang idadantay sa damit ng pasahero para kapkapan.

‘Yan ‘yung unsanitary.

‘Yung unsafe, nakikini-kinita na natin doon sa sinasabi ng iba na sindikato umano ng ‘tanim-bala.’  

Ano ba talaga ang papel ng DoTC-OTS sa NAIA?!

Kung hindi tayo nagkakamali mayroon nang bagong full-body scanners na nagkakahalaga ng P150-million at inilagay sa departure area ng apat na Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Ang siste, hindi pa ito nagagamit nang husto dahil hindi pa nasasanay ‘yung taong dapat mangasiwa rito. Tinutukoy rito ‘yung mga taga-DoTC-OTS.

Ang dapat umanong magbigay ng training & seminar, ang Defense and Protection System Philippines (DPSP) para sa mga piling NAIA employees at staffers ng DoTC Office of Transportation pero hindi ito nangyari.

Wala raw kasing sumipot na taga-DoTC-OTS sa nasabing seminar kaya ang ginawa na lang ng NAIA (MIAA) ay nag-request ng bagong seminar para sa kanilang mga tao.

Labis tayong nagtataka kung bakit kahit isang taga-DoTC-OTS ay hindi nagpakita ng interes para sumailalim sa nasabing training.

Parang gusto nating maniwala na ang DoTC-OTS umano ang unang umaayaw para maikabit ang nasabing x-ray.      

Kasi kapag nagkaroon umano ng whole body X-ray scanner, todas ang raket nila!

Ganoon ba ‘yun, DoTC Secretary Joseph Emilio Aguinaldo ‘pabaya’ este Andaya?

Subukan mo lang din pag-isipan, Sec. ‘Traffic  is not fatal’ Abaya?!

‘Wag ka munang masyadong mag-concentrate sa pagpapapogi for you future political dreams?!

Hindi pa nga tayo nakaaahon sa isyu ng ‘worst airport’ ‘e sumulpot naman ‘yang modus operandi ng sindikatong tanim-bala.

Ano ba talaga, Sec. ‘pabaya’ ‘este Abaya?!

Pababayaan mo lang ba na pinagpipiyestahan ang bansa natin dahil sa isyung ‘yan ng tanim-bala?!

Aba, huwag mong sabihin na ‘tanim-bala’ is not fatal…

Baka mamaya ay mayroong desperadong biktima ng sindikatong tanim-bala ang biglang maisipang magtanim ng ‘bala’ sa mga tatamad-tamad na opisyal ng DoTC, ‘e ma-target ka?!

Huwag ka namang pabaya-baya, Secretary Abaya!

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *