PAGKATAPOS nang nakaaantig na one on one exclusive revelation interview ni Angel Locsin kay Kuya Boy Abunda sa TWBA o “Tonight with Boy Abunda,” na inihayag ng sikat na Kapamilya actress, kay Kuya Boy na sanhi ng dinaranas na spinal cord injury ay hindi na magagawa pa ang matagal na pinaghandaang big budgeted project sa Star Cinema na “Darna.”
Kahapon kasama ng kanyang manager na si Manay Ethel Ramos ay muling nag-renew ng kanyang contract sa ABS-CBN ang magandang aktres. We heard na two or three years raw ang pinirmahang kontrata ng controversial na gf ni Luis Manzano.
Sa nasabing pirmahan sa pangunguna ni Ma’am Cory Vidanes, Ma’am Malou Santos, Sir Laurenti Dyogi at ibang pang top executive ng network ay inilatag kay Angel ang mga ibibigay na proyekto sa kanya na bukod sa malaking pelikula na kasalukuyang ginagawa sa Star Cinema kasama sina Gov. Vilma Santos at Xian Lim ay magkakaroon rin ng bagong teleserye ang aktres na pagbibidahan niya. Magsisilbing opening salvo, sa January 2016 ang peikula nila ni Ate Vi.
Kapag may nagsarang pinto, ay may magbubukas na bintana gyud!
Former Cong. Boboy Syjuco Jr. Never Na Makikipag-Kompetensiya Sa Mga Kalabang Pangulo Sa 2016 National Election
Never nakipag-compete o makikipag-kompetensiya sa kanyang mga makakalaban sa pagka-pangulo sa May 2o16 national election ang former and twice-elected na representative ng 2nd District ng Iloilo na si Boboy Syjuco, Jr.
Bulong sa amin ng kanyang trusted friend at the same time publicist na sikat na radio anchor ng toprating showbiz program na “Mismo” sa DZMM Teleradyo, entertainment columnist at ta-lent manager na si Kapamilyang Jobert Sucaldito, may mga nagtataas ng kilay sa pambatong pre-sidentiable, dahil ang mga kalaban ni Boboy sa panguluhan ay malalaking pangalan sa mundo ng politics.
Ayon raw mismo sa dating kongresista, ang presidency ay isang destiny. Kung nakaguhit ito sa palad mo, kahit ordinaryong maybahay ka lang ay pwede kang mapili.
At pasintabi sa iba riyan, hindi nuisance o panggulo lang sa mga kalaban. Isa siyang legit politician from Iloilo na dalawang beses naluklok noong May 1998 at May 2001. Nagsilbi rin siya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa matagal na panahon bilang former Director General na patuloy na tumutulong sa maraming kababayan natin na gustong mag-aral o maghasa ng mga vocational course at makapagtrabaho agad bilang skilled worker sa ibang bansa na kikita sila ng dolyares.
Kaya sa dami ng mga natulungan ni Boboy para magkaroon ng work, isama pa ang mara-ming supporters from Iloilo at pagiging hasa sa public service na nakapagtapos ng kursong Doctor of Humanities in Public Service sa Lyceum Northwestern University at Industrial Technology sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology noong 2oo6.
Aba’y may laban nga siya para maging pa-ngulo ng Republika ng Pilipinas. Marami pang ibang achievement sa kanyang pagiging public servant si Syjuco at sa mga susunod na araw na namin ito ikukuwento sa inyo.
‘FELIX MANALO’ TO SCREEN WIDELY IN US THEATERS AND OTHER COUNTRIES STARTING OCT 3O
“Felix Manalo” of multi-awarded actor Dennis Trillo produced by Viva Films is scheduled to hit the cities in the United States, starting on October 30, 2015 in the following theaters: Chicago, Woodridge 18; Dallas, Grapevine Mills 30; and Legacy 24 (Plano); Houston, Studio 30; and Tinseltown 290, Los Angeles: Puente Hills 20, Cerritos Stadium 10, Ontario Palace Stadium 22, West Covina Stadium 18, Southbay Pavillion 13 (Carson, CA), Century River Park 16 (Oxnard, CA) and Orange Stadium Promenade 25 (Orange, CA), Minneapolis: Inver Grove 16; New York: Jersey Gardens 20, Empire 25; San Diego: Otay Ranch 12, Plaza Bonita 14; Tampa:Westshore Plaza 14; Washington D.C.: Hoffman 22, Rio Cinemas 18; Guam: Regal Guam Megaplex 14; Hawaii: Regal Cinemas Dole Cannery 18 (Honolulu); Illinois: Regal Cinemas 7-23 (Skokie); Seattle: Parkway Plaza Stadium 12 (Tuwila, WA) Las Vegas: Village Square Stadium 12, Century Orleans 18; Sacramento: Elk Grove Laguna 16 (Elk Grove, CA), Roseville 14 (Roseville, CA); Baltimore: Eqyptian 24 (Hanover, MD); San Antonio: Movies 16; Virginia: Military Circle 18 (Norfolk, VA);San Francisco: Milpitas Great Mall 30 (Milpitas, CA), Union City 25 (Union City, CA), Century Tanforan 20 (San Bruno, CA), Century 14 (Vallejo, CA), Century Hilltop 16 (Richmond, CA);Reno, NV: Century Park Lane 16; Phoenix: Cinemark 16 (Mesa, AZ); Salinas: Northridge Mall 14 (Salinas, CA);Anchorage: Century 16 (Anchorage, AK); McAllen, TX: Movies 17; North Haven, CT: Cinemark 14; Round Rock, TX: Cinemark 14; Little Rock, AR: Colonel Glen 18; Florida: Tinseltown 20 (Jacksonville, FL), Paradise 24 (Davie, FL) The movie also is showing in Asia (Hongkong and Singapore) and Europe (Geneva, Zurich, Paris, Milan and London).
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma