Naikuwento ni Regine na matagal nang gusto ni Mang Gerry na gumawa siya ng ganitong klase ng show. ”Buhay pa siya talaga noong kino-conceptualize ko ito at parang hinihintay niya nga na gagawin ko. Unfortunately ‘di ko nahahanapan ng tamang panahon, ng tamang schedule. Tapos nabuntis na ako, nagkaroon ng bagets, mas lalo akong naging busy.
“I think it’s supposed to happen now dahil marami ring mahilig ngayon sa mga musical, so itinaon na ngayon siguro. Ito na talaga ang tamang panahon,” giit ni Regine.
Bagamat mala-Broadway ang tema ng concert ni Regine, hindi naman iyon nangangahulugang ang repertoire niya ay puro Broadway songs.
“May final lineup na. It has to be a good mix dahil I also sang a lot of Broadway songs na rin naman in the past. So nagde-debate kami if I will still sing those songs or new ones, ones that I’ve not done before. Hopefully tama ‘yung mix namin. Ibinigay ko naman kung ano ang expected, at the same time I’m singing some new ones, some musical songs that I’ve never performed before. And then siyempre ‘yung mga iniisip din ng mga tao na kakantahin ko o ‘yung expected nila na kakantahin ko,” paliwanag pa ni Regine habang nagdo-drawing ito habang ongoing ang presscon.
Sinabi pa ni Regine na ito ang isa sa pinakamahirap niyang concert in her entire career.
Naitanong namin kung mayroon bang makikitang mga special effects tulad ng mga nauuso ngayong umiilaw-ilaw na gown or whatsoever. Ani Regine hindi man ganoon ka-hightech, iba ang mga special effects na makikita na tiyak ikatutuwa at magugustuhan ng sinumang manonood ng concert.
Samantala, sinabi nanan ni Cacai na hindi allowed ang picture taking at video recording sa loob ng teatro. Kaya pakiusap niya sa mga manonood na iwasang gamitin ang mga camera ng cellphone o anumang gadget para makakuha ng picture o video dahil kung hindi posibleng kumpiskahin ito.
Mabibili naman ang tickets ng Regine…At The Theater sa mga SM cinemas o sa SM Tickets, mag-log-on lang sa www.smtickets.com..
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio