Friday , November 15 2024

Bad service ng V. Roque Customized Kitchen nakaiirita

00 Bulabugin jerry yap jsyAKALA ng isang kaibigan natin, nang kunin niya ang Kitchen One ng V. Roque Corporation, makers daw sila ng customize kitchen at sila umano ay “industry leader and country’s premier manufacturer” ‘e masisiyahan siya at maipagmamalaking tunay ang kahihinatnan ng kanyang kitchen.

Pero hindi pala…

Imbes matuwa, nakunsumi ang kaibigan natin dahil matapos niyang magbayad nang buo… repeat: FULL PAYMENT para sa installation ng kanyang kitchen ‘e biglang ‘nganga’ na sila sa kahihintay kung kailan mai-install ang nasabing kitchen.

Mabilis lang daw maningil pero makupad naman sa serbisyo.

Ang nakainis na rason ng V. Roque, nagkaroon daw sila ng problema sa mga installers nila dahil sa isyu ng allowances.

Hello!!!

Ano naman ang paki ng nag-full payment na customer sa isyu ng pagbibigay ninyo ng allowance sa mga installer ninyo?!

Problema ba ng customer ‘yan?

Bayad ang customer at kung may problema kayo sa installers ninyo, problema ng kompanya n‘yo ‘yan at hindi ng customer!

Be professional naman Kitchen One & V. Roque. Ang yabang ng profile ninyo… “since 1977… an industry leader and the country’s premier manufacturer of modular kitchens, cabinets, closets, and doors.”

Aba ‘e kung 38 years na kayo sa industriya dapat mayroon na kayong reserbang installers. Ayaw ko namang sabihin na may kostumbre kayong manunuba kung bakit nilalayasan kayo ng installers ninyo.

Kung diyan kayo umasenso at diyan kayo nagkaroon ng pangalan sa industriya, dapat minamahal rin ninyo ang mga installer at customers ninyo.

‘E parang one-way ang pakikitungo ninyo sa customer ninyo.

Kung bayad na ‘yan, gawin ninyo ang lahat ng paraan para tuparin ninyo ang serbisyong dapat na ipagkaloob ninyo sa kanila.

Huwag ninyo gamiting ‘alibi’ ang mga installer ninyo!

Umayos nga kayo!!!      

Pol ads ni Binay insulto sa Makati?

Masyado umanong naiinsulto ang mga taga-Makati sa pol ads ni Jojo Binay na lumalabas sa telebisyon.

Sa pagkakataong ito, ikinakapital ni Jojo Binay sa kanyang political ads ang mga pisikal na katangiang ipinambabansag sa kanya gaya ng nognog at pandak.

Pero sa kabila raw ng pagiging nognog at pandak, si Binay lang ang nagturing na ang mga Senior Citizen sa Makati ay señorito at señorita.

Siya lang din daw ang nakapagbigay ng scholarship sa maraming kabataan at kung ano-ano pang serbisyo publiko sa mga taga-Makati.

Jusko, parang galing sa sariling bulsa ni Binay ‘yang ibinibigay nilang benepisyo sa mga taga-Makati.

‘Yan yata ang bentaha ni Binay, mayroon siyang mga tao magagaling sa propaganda. Kayang-kaya  nilang gawing positibo ang kahit na pinakanegatibong kapintasan na ipinupukol sa boss nila.

Mukhang walang ganyang tao ang mga kalaban ni Binay kaya hirap na hirap umakyat sa survey.

Hindi na tayo magtataka kung bago sumapit ang araw ng eleskiyon ‘e muling tumaas sa survey si Binay kung laging tutulog-tulog ang mga PR man ng kanyang mga kalaban.

Meron ngang PR diyan, ipinakikiusap na ilabas ang istorya ng kandidato nila, pero kapag lu-mabas na, hindi na nagpapasalamat, umaangal pa.

No wonder kung bakit hindi makaangat sa survey.

Anyway, asahan na natin ang pagsinsin ng labanang propaganda sa mga susunod na araw hanggang sa campaign period.

Pero dapat lang natin itanim sa isip natin na maging pirmi tayo sa pagdedesisyon lalo na sa pagpili ng ating mga iboboto. 

‘Yun lang.                                           

Ilang ‘mansanas’ ang kapalit sa pagtakas ni Cho Seong Dae!?

MAY BIROANG kumakalat ngayon sa BI main office na hindi nila akalain na madali raw palang ma-insecure si Kernel Joffrey Kopas ‘este’ Tupas?

Akalain ninyong, matapos mabet-sa si Col. Agtay pati ang mga bata niya dahil sa ‘pagtakas’ ni Korean fugitive, Cho Seong Dae, diyan sa BI Warden’s Facility sa Bicutan, heto at bigla na naman yatang tinamaan ng masamang inggit kaya agad din niyang binigyan ng “special pass” ang nasabing puganteng Koreano! Bwahahaha!

You’re so very funny, Kernel Tupas!

Wala ka talagang kakupas-kopas?!

Hindi mo man lang ‘ata hinintay na lumipas man lang ang isang buwan o ‘di kaya naman ay magtagal sa puwesto ang bagong DOJ Secretary bago pinatakas ‘este’ natakasan muli ni Cho Seong Dae?

Balita natin, paalis ka na raw diyan sa Bureau at magkakalat na ‘este’ lilipat na sa ibang ahensiya gaya ng Central Bank.

Sabi nga ng mga urot sa BI-Admin: “Hindi na kami magtataka kung pumitas ka ng pabaon gaya ng mga nagreretirong heneral noong panahon pa ni GMA?”

Totoo ho ba ang balita na noong hinuli ng mga bata mo riyan sa Counter Intelligence Unit itong si Cho Seong Tae ‘este’ Dae sa Parañaque City ay dali-daling nag-offer ng 3 ‘manok’ sa mga arresting officers ang kapatid pero tinanggihan ng mga bata mo?

Tinanggihan daw, kasi nagkataong may makating dila yata ang kasama roon noong ares-tohin si Cho?

Hindi kaya si Agent “Navabarado” ang tinutukoy doon?

Alam kasi ng inyong lingkod na si CA “Na-vabarado” lang ang madalas na nangangati ang dila riyan sa Bureau.

By the way, totoo rin ba ang info na nakarating sa atin na may isang bossing ang nag-escort palabas kay Cho pero pumalag ang ilang BI personnel na bantay doon at pilit na ipina-logbook ang pagpapalabas kay Cho?

Daming MANOK niyan, kung positive ang info na ‘yan, Kernel.

Pa-KFC naman kayo!

‘Tulak’ kapitbahay lang ng Brgy. Chairman!?

GUD p.m. sir BATA mo ko, meron lang po kami gustong ireport sa aming barangay, sa paligid kc ng bahay ni TSERMAN JESS BERROVA  sa BRGY 878  z96 ay nagkalat ang mga tulak. Sina Meeting at Mon dto sa PACO ROMAN st STA. ANA MAYNILA. Bakit wala aksyon ang tserman sa mga tulak na ‘to? +63918449 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *