Friday , November 15 2024

3 bagets sugatan sa ratrat ni lolo

SUGATAN ang isang dalagita at dalawang binatilyo makaraang pagbabarilin nang nagwalang lolo na napraning sa ingay ng mga biktima habang nagpapahinga sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Pawang ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang mga biktimang sina Angelica Espiritu, 15; Mark Rey Canoy, 13; at John Wilfredo Cado, 13, mga residente ng King Solomon St., Brgy. 174, Camarin, ng lungsod, tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Habang pinaghahanap ang suspek na kinilalang si Ireneo Cantora, 65, ng Lot 12, Block 10A, King Solomon St., Brgy. 174, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO2 Mark Andrew Bartolome, naganap ang insidente dakong 10:30 p.m. sa King Solomon St.

Naglalakad pauwi ang mga biktimang maingay na naghaharutan nang biglang lumabas ng kanilang bahay ang suspek habang armado ng baril at sila ay pinaputukan.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod ng mga kaanak ang mga biktima sa pagamutan.

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *