THANKS to the recent Cosmo Bash, ito ang claim to instant fame ng isa sa mga rumampa roon na si Alex Castro.
Biglang-bigla, inani niya ang titulong Hipo King: hindi siya ang nanghipo kundi siya ang hinipuan. Kung babae o beki sa audience ang nangahas na manyansing sa kanya ay clueless si Alex.
Maging ang kanyang nobyang si Sunshine Garcia—maimbiyerna man sa mapagsamantalang taong ‘yon—ay wala ng magawa. ‘Ika nga, the harm has been done.
Pero kung may idinulot na maganda ang eksenang ‘yon, ‘yun ay ang pagkakaroon ni Alex ng isang makabuluhang film project: ang Upline, Downline.
Isang advocacy movie ‘yon tungkol sa naging tagumpay ng mga networker sa bansa. Written by Jigz Recto and directed by George Vail Kabristante, prodyus ito ng Alliance for Networkers of the Philippine Organizations, Inc. o ANPO.
Bukod kay Alex, kabilang din sa pelikula sina Matt Evans, Ritz Azul, Snooky Serna, Juan Rodrigo, at Rez Cortez.
Showing this October 28, isang eye opener ang pelikulang ito kung paanong makaiiwas sa mga naglipanang scam-laden networking site, at sa halip ay makatagpo ng isang lehitimong kompanyang maghahatid ng tagumpay sa buhay.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III