Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam at Jasmine, nagkabalikan na nga ba?

00 SHOWBIZ ms mKAUGNAY ng pagdiriwang ng 20th anniversary ng Calayan SurgiCentre, ilulunsad nina Dra. Manny at Pie Calayan ang pinakabago at dagdag nilang endorser, si Sam Concepcion.

Sa pakikipag-usap sa mag-asawa sa Alphaland Marketplace noong Lunes habang isinasagawa ang pictorial ni Sam, sinabi ni Doc Manny na napili nila si Sam para dahil sa tema ng kanialng 20th year, ang Not too young to have aesthetic.

“Habang bata pa lang magpaganda na sila para hindi tumanda!,” sambit ni Doc Manny na ang ieendosong procedure ni Sam ay ang Tenor Laser, isang Non-Surgical Body Sculpt.

“Tamang-tama si Sam sa procedure na ito dahil bukod sa isa siya sa upcoming star ng ABS-CBN, kasama rin sa ‘Your Face Sounds Familiar’ at mayroon pa rin siyang isang teleserye, ang ‘You’re My Home’.”

Ibinalita naman ni Dra Pie na ang mga anak naman nila ang nagha-handle ng product development at marketing ng Calayan SurgiCentre.

102815 sam concepcion calayan
Bubuksan din nila sa 1st quarter of 2016 ang dalawang branch pa ng Calayan SurgiCentre, ito’y matatagpuan sa Baguio at Alabang. “Tapos magkakaroon din kami ng international branch, sa Japan naman. Kaya bale lima na ang branch namin. Apat sa local at isa ang international,” buong pagmamalaki naming pagbabalita ni Doc Manny.

At kaugnay ng kanilang 20th anniversary ang paglulunsad din ng bagong innovation o procedure, ang Doublo UltraLift, isang non-surgical procedure for face na ang aktres na si Daria Ramirez daw ang mag-eendoso. “Maganda ito sa mga ka-edad ni Daria dahil isa ito sa para para ma-tighten talaga iyong face at non-surgical pa,” giit naman ni Dra. Pie.

Samantala, iginiit naman ni Sam na magkaibigan pa rin sila ni Jasmine Curtis-Smith matapos ang kanilang brake-up.

“We’ve always remained friends naman that’s why it wasn’t an issue na magkakatrabaho kami. Alam naman namin that it was only a matter of time until we would be working together again. We know we can’t really escape that. It’s good. There’s never been a problem naman talaga. Roon din kasi, we are a very close family,” sambit ng binata nang matanong ito dahil magkakatrabaho sila sa  repeat staging ng No Filter, isang monologue show ukol sa millennials.

Sa kabilang banda, hindi naman namin napilit si Sam nang matanong kung may pag-asang magkabalikan sila ni Jasmine.

“Hindi ko alam eh. Maayos naman kasi kami. I think there’s more kasi than putting a label on a relationship. But as far as we are concerned, we are happy. We still are good friends,” paliwanag ng binata.

“Kasi siguro parang we experienced a lot kasi together. We grew together as well. Hindi mo kasi talaga matatanggal ‘yun. This is a person na kahit sabihing you’re apart or magkasama kayo, lagi kang concerned sa taong ‘yun. You always care for that person. She’ll always be that,” sambit pa ni Sam na ang importante raw ay okey sila at nagsusuportahan sa isa’t isa.

“I think hindi naman kasi siya naging problema even afterwards. Minsan lang talaga may mga mangyayari in a relationship that somehow just doesn’t fit sa mga circumstances na nangyayari ngayon. But that doesn’t mean you completely have to ignore or push someone away when ‘yung tao na ‘yun has been and will still remain an important part of yourself,”paliwanag pa ni Sam.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …