Friday , November 15 2024

Cabuyao, Laguna walang Solid Waste Management Plan pero nagbayad ng P75.8-M sa hakot ng basura?!

00 Bulabugin jerry yap jsyMUNTIK raw mahilo ang Commission on Audit (COA) nang makita ang malaking ginastos ng local government ng Cabuyao, Laguna na halagang P75.8 milyones sa hakot ng basura.

Ang kasalukuyang mayor po ng Cabuyao ay si Mayor ISIDRO HEMEDES. 

Ang halagang P75.8 milyones ay napunta umano sa RC Bella Waste Management  & Disposal Services na pag-aari ng isang Rommel Cantera Bella.

Pinaniniwalaan ang kontratang hakot-barusa ay hindi dumaan sa ano mang proseso ng bidding at walang maipakitang kopya ng kontrata sa COA.

Naghinala ang COA na mayroong malaking anomalyang nagaganap dahil noong 2014, pare-pareho ang halagang sinisingil ni Bella sa local government unit.

Halimbawa, noong Enero 1-15 at P3,609,420 at ganoon din para sa  Enero 16-31. Ganoon din ang kuwentada sa mga susunod na buwan.

Aba s’yempre “shock to the max” ang COA kaya naman pinagpapaliwanag nila ang LGU kung bakit iisa ang presyo at singil sa hakot basura?!

Anyaaaareeee?! 

By the way, ang gastos na ‘yan sa hakot-basura ay kasama sa P105-milyong PLUNDER case na inihain laban kay Hudas ‘este’ Hemedes.

Kaya naman sa korte na magpapaliwanag si Hemedes!

Ang matindi, dahil last term na ni Cabuyao Mayor Hemedes, ang kanyang anak naman ang pinatatakbong Alkalde at siya naman ay Vice Mayor!

Sonabagan!!!

Family corporation na ba ang Cabuyao local government!?

Basura pa more!!!

Dinumog daw ng kapwa inmate si Gerardo Arguta, Jr.? (Napuno ng pasa ang katawan…)

BINUGBOG daw ng mga kapwa preso at pinagpapalo ng tubo ang namatay na inmate na kinilalang si Gerardo Arguta, 45-anyos.

Si Arguta ay sapilitang dinakip ng isang barangay tanod na si alyas Budoy sa kanilang lugar sa Tenement sa Sta. Ana, Maynila dahil umano sa reklamo ng isang single mother na minolestiya ang kanilang anak.

Dinala siya sa kanilang Barangay Chairman na si Edgar Adelante. Pero inilipat din kay Chairman Edwin ‘balimbing’ Zambrona dahil doon umano talaga nakatira bago naman ipinasa sa kustodiya ng pulisya.

Sa madaling sabi, nagulat nga ang mga kaanak ni Arguta nang malaman na patay na siya. Pero mas lalo silang nahindik nang makitang punong-puno ng pamamaga at hematoma ang bangkay ng biktima.

Noong una, sinasabi ng mga pulis na inatake raw ng epilepsy kaya nangisay sa harap ng fiscal hanggang mamatay.

Pero kahapon, sinabi ng pulis na binugbog umano ng 67 kapwa preso ang biktima kaya nagkaroon ng mga pasa sa katawan.

Supt. Robert Domingo, ibang-iba ang sinabi mo sa media hinggil sa kamatayan ni Arguta.

Ngayon ay sinasabi ninyong binubugbog si Arguta ng  67 preso pero walang ginawa ang mga tauhan mo?!      

Sonabagan!

Sino ngayon ang dapat managot sa pagkamatay ni Arguta, Kernel Domingo?!

MPD director,  Gen. Rolando Nana, Sir, ano na ba ang nangyayari sa mga pulis na nasa ilalim ng inyong pamumuno?!

Mukhang hindi nab a epektibo ang pamumuno ninyo?!

NCRPO chief, Gen. Joel Pagdilao, katarungan ang hinihingi ng kaanak ng biktima sa kasong ito…

Aksiyon na!

Not once but twice na natakasan si Mison ng korean fugitive

SA KANYANG unang Linggo bilang bagong DOJ Secretary, isang napakagandang welcome ang inihandog ni BI Comm. Fred Siegfraud ‘ay mali agad’ Siegfred Mison, kay former Chief Presidential Legal Adviser Alfredo Benjamin Caguioa.

Ito ang “not once but twice” na muling pagtakas (o pinatakas!?) na South Korean fugitive na si Cho Seong Dae sa kanyang mga bantay sa ISAFP Detention Center sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Kamakailan lang ay nagpa-praise ‘este’ presscon pa si pa-good-guy Commssioner matapos mahuli si Cho Seong Dae sa Parañaque City matapos tumakas sa BI Bicutan detention cell, ay muli na naman daw gumawa ng milagro ang nasabing pugante matapos mag-ala David Copperfield sa kanyang mga bantay sa pangalawang pagkakataon!

What the fact!?

Hindi na yata kapani-paniwala na makatatakas nang ganoon kadali ang isang gaya ni Cho Seong Dae na katatapos lang mahuli noon lamang isang linggo?!

Very irresistible ba ang offer kaya pikit-matang ikinanal ka na naman ng mga bata mo, Commissioner Fred ‘green card’ Mison?

Napaka-obvious naman yata ng tiradang ito ng mga kulisap  mo!?

Noong unang tumakas ang Koreanong ito, napabalitang tumataginting na P1M umano ang ibinayad.

E ngayon naman kaya, magkano naman ang inihatag sa mga bantay niya para bigyan uli siya ng panibagong “Special Pass?”

May idea ka ba kung magkano, Col. Ariel Agtay at Col. Tupas??

Ang nakapagtataka, tila may trending yata kayo pagdating sa mga tumatakas. Kung hindi Koreano ay mga tsekwa ang lagi n’yong nabibigyan ng pabor!?

Am I right, BI official fixer Betty Chuwawa?

Hindi ka ba kinikilabutan sa nangyayari, pabebe-commissioner?

Dahil parang ikaw lang yata ang umupong Immigration commissioner na may pinakamaraming record ng pinatakas ‘este’ tumakas na pugante?

Quota ka na pabebe boy?!

If I am in your situation, aba’y wala na akong mukhang ihaharap sa mga taga-Bureau lalong-lalo na kay SOJ Caguioa!

Kung ako sa iyo, better pack your things up at mag-courtesy resignation ka na agad-agad!

‘Yan naman ay kung talagang manipis ang mukha mo at courteous ka!

Record breaking ka na as BI commissioner na paboritong takasan ng mga puganteng dayuhan.

Por dios y por santo, MAG-RESIGN KA NA!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *