Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ashley Aunor, masaya at makulay ang 18th birthday!

102815 Ashley marion aunor lala

00 Alam mo na NonieKAKAIBANG 18th birthday ang ginanap para kay Ashley Aunor, bunsong anak ni Ms. Maribel Aunor. Circa 60’s ang motif kaya nagkalat ang naka-costume ng hippies last Sunday sa The Blue Leaf na siyang venue sa special day ni Ashley.

Sinabi ng nakababatang kapatid ng singer-songwriter na si Marion Aunor kung bakit niya naisipang gawin ito sa kanyang debut.

“Usually po kasi ang dami ko pong napupuntahan na debut ng mga friends ko po and masaya naman din po, kaya lang nakaisip ako ng way kung paano ko mapapakita yung true self ko through a celebration na mage-enjoy yung guests and sobrang memorable na dapat na kakaiba. Ito ngang debut made into a birthday concert with a theme na funny and creative.

“Iyong true reason is, naisip lang namin ng sister ko bigla kasi parang nakakatawa, masaya, and cool yung setting ng hippie themed event na concert. Actually, dapat Woodstock festival yung theme ng event, in-exaggerate lang namin para mas special,” saad ni Ashley na isa ring singer at songwriter na tulad ng kanyang ate.

Sinabi pa ni Ahsley kung gaano siya kasaya ng gabing iyon.

“Sobrang natuwa kami sa outfits ng guests and perfect yung pag-style sa venue. Better than what we expected. Tuwang-tuwa ako the moment I stepped out para sa introduction. Like I said, better than what I actually expected. Best birthday I’ve ever had. Naramdaman ko talaga yung love and support ng lahat ng guests. Honestly, natouch ako the whole night. Hindi ko malilimutan yung experience ever.”

Ano ang kanyang birthday wish? “Na sana po makaroon ako ng happy life with my family and friends.”

Ano ang maituturing niyang best birthday gift last Sunday? “Ayaw ko magsound cliche and cheesy but to be honest, yung best gift is yung whole experience and the love and support ng lahat ng family, friends, and everyone who showed at the event.”

Isa sa highlight ng event ay ang surprise appearance ni Alex Diaz na crush pala ni Ashley. Naghandog ng ilang kanta ang actor mula Pangako Sa ‘Yo.

“Surprise actually yung appearance niya in the event, celebrity crush ko kasi si Alex ever since before, kaya nagulat talaga ako, hindi ko alam kung paano mag-react noong time na dumating siya, kaya naging frozen ako bigla.”

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …