Nabanggit ito ni Amy nang makausap namin sa presscon ng Strike Multi-Insect Killer ng ATC Healthcare kasabay ang pagsasabing malaki ang naitutulong ng produktong ito para maging dengue-free ang kanilang pamamahay sa abot-kayang halaga.
Bale si Adi ay anak ni Amy sa una niyang asawa na si Brix Ferraris, na dating bokalista ng South Border.
Ani Amy, kakaumpisa pa lang ng pagpo-proseso ng papeles pero natutuwa siyang mabilis ang nagiging aksiyon dito. ”Kumbaga, alam naman ng lahat ng tao sa city hall ‘yung istorya namin, so lahat sila very happy sa progress na, ‘Uy, ia-adopt na.’” na five months lang daw ang inabot ng pag-aayos ng papers na ang iba’y umaabot ng isang taon.
Hindi na raw kailangan ng approval ni Brix para sa adoption ni Adi dahil nasa legal age na ito. ”Kasi 18 na siya, eh,” paglilinaw ni Amy.
Samantala, sa kagustuhang makatulong ng ATC Healthcare sa lumalalang problema sa Dengue, inilunsad nila ang Strike, Depensa Laban sa Denguekasama si Amy bilang brand advocate para makatulong mabawasan at maiwasan ang paglala ng Dengue.
Naniniwala ang marami sa atin na ang prevention ay isang mabuting pamamaraan kaya naman nag-develop ang ATC Healthcare ng epektibong produkto na talagang makakalaban sa dengue, ito ay ang Strike Multi-Insect Killer Spray bukod pa sa ilang helpful tips na ibinahagi ni Amy kung paano mapo-proteksiyonan ang pamilya laban sa dengue. In-advise niya ang paggamit ng multiple lines of defenses tulad ng Strike Multi-Insect killer Spray, Strike Coil, Strike Liquid Repellant, Strike Mat, at Strike Patch.
Kasama ni Amy sa paglulunsad bilang brand advocate sina ATC Healthcare’s Chairman, Mr. Albert Chua, President/CEO Mr. Derick Wong, at Marketing Manager Louie Albert.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio