STRIKE while the iron is hot. Ito ang pananamantalang ginagawa ngayon ni Alden Richards sa kanyang career at its peak.
Imagine doing a show Mondays to Saturdays. At sa dapat sana’y araw na ng kanyang pahinga—Sunday—ay nagtatrabaho pa rin siya. In between, Alden appears in Starstruck.
Bukod kasi rito ay ang dumarami niyang commercial shoot, may schedule pa siya that he has to devote para sa kanyang MMFF entry. Idagdag pa ang provincial at out-of-the-country shows.
But Alden wouldn’t heed his manager’s advice to slow down. “Gusto naman niya ‘yon, eh. Hindi nga siya napapagod.”
Dinig namin, gustuhin man niyang rumatsada ay kinailangang tanggihan ng kanyang kampo ang isang show sa Singapore dahil fully booked na ang kanyang schedule until early 2016.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III