Friday , November 22 2024

Lehitimong kompanya ginagamit ng sugar smugglers

NABISTONG gumagamit ng lehitimong mga kompanya ang sindikatong nagtangkang magpuslit kamakailan ng 57 containers ng asukal mula sa Thailand na may halagang P40 milyon at naharang ng Intelligence Group (IG) ng Bureau of Customs (BOC).

Naka-consign ang epektos sa Rainbow Holdings, Inc., isang kompanyang Koreano na may tanggapan sa Madrigal Business Park, Ayala, Alabang, Muntinlupa City pero pinabulaanan ng presidente at chief executive officer nito na si  Bb. Grace Son Eukyoung na hindi sila nagnenegosyo ng asukal kundi aspalto lamang.

Ikinagalit ni Son na ginamit ng smuggling syndicate sa BOC ang pangalan ng Rainbow para sila ang imbestigahan ng mga awtoridad kaya malinaw na frame-up ang nangyari.

“The battle against rice or sugar smuggling is not just in balikbayan boxes or random confiscation of suspected hot items or containers among traders but a total crackdown,” sabi ni Son. “So now, these syndicates use fall guy companies that will take the brunt if the shipment is seized.”

Lumiham na ang Rainbow sa mga opisyal ng  BOC upang linawin na huli silang umangkat noong Hulyo 21, 2015 ng Bitumen (aspalto) kaya iginiit na wala silang kinalaman sa pag-import ng asukal na nakumpiska ng BOC.

Idinagdag ni Son na lehitimo ang kanilang kompanya at suportado nila ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga ismagler lalo nang magpatupad ng kasunduan ang BOC, Sugar Regulatory Administration (SRA) at Sugar Anti-Smuggling Office of the Sugar Alliance of the Philippines (SASO) na magtalaga ng mga kinatawan para mapigil ang sugar smuggling.

“We are one with the efforts to cleanse our government of crooks,” dagdag ni Son. “We believe that curbing sugar smuggling in the country is a move consistent with the genuine desire of the ‘Tuwid na Daan’ policy of the administration of President PNoy.” 

About Hataw

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *