Thursday , December 26 2024

Hagupit ng Ombudsman

00 firing line robert roqueMarami ang natutuwa sa ipinakikitang sipag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa ginagawang serye ng pagsibak sa puwesto ng ilang nagli-lingkod sa gobyerno na kanyang inaprubahan.

     Kabilang sa nakatikim ng hagupit ng Ombudsman si Chief Superintendent Asher Dolina, hepe ng Eastern Visayas Police, at ang 17 miyembro ng PNP na pawang sinibak sa puwesto. Inalisan sila ng karapatang makapagtrabaho muli sa gob-yerno at isasakdal sa paglabag sa “Anti-Graft and Corrupt Practices Act.”

     Ito ay bunga ng pagkakasabit umano nila sa iregularidad sa pagkakabili ng 16 na depektibong rubber boats na nagkakahalaga ng P4.5 milyon noong 2009. Hindi umano ito dumaan sa bidding at kahit maraming depekto ay sinertipikahang pa-sado sa criteria.

     Gayon din ang parusang ipinataw niya sa sinibak na si Chief Superintendent Raul Petrasanta at ilang opisyal ng PNP, dahil sa pagbebenta umano ng 1,004 AK-47 assault rifles na nagkakahalaga ng P52 milyon sa mga komunistang NPA mula 2011 hanggang 2013.

     Sensitibo ito dahil lumalabas na ang ginagamit na armas ng naturang mga rebelde laban sa mga awtoridad ay sa mga tiwaling pulis din nagmula.   

     Maaalalang sinibak ni Morales si Makati Mayor Junjun Binay at tinanggalan din ng karapatang magtrabaho muli sa pamahalaan, bunga ng pagkakasabit daw sa iregularidad sa Makati.

     Noong Hunyo ay ipina-dismiss din sa serbis-yo ng Ombudsman ang nagbitiw na PNP chief at kaibigan ni President Aquino na si Alan Purisima.

     Ito ay sa pagkakaugnay umano niya sa maanomalyang kasunduan na pinasok ng PNP at ng isang private courier firm na nagkakahalaga ng P100 milyon ngunit hindi dumaan sa tamang pro-seso.

     Marami man ang pumuri kay Morales pati na sa social media, sadyang totoo ang kasabihan na hindi natin maaaring pasayahin ang lahat ng tao sa lahat ng sandali.

     May mga pumupuna na dapat pag-ibayuhin pa ng Ombudsman ang paglaban sa lahat ng gumagawa ng katiwalian, at huwag piliin ang mga gustong parusahan.

     Dapat daw niyang ibaling ang paningin sa mga prominenteng pangalan na nasangkot halimbawa sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam, maging pantay-pantay ang pagparusa, kahit na kaalyado sila ng Pangulo.

     Maaasahan kaya nating gagawin ito ng Ombudsman o mag-aabang lang ang lahat sa wala?

* * *

 SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *