Aries (April 18-May 13) Kung hindi mo kayang bitiwan ang carefree life, sana mapigilan mo ang sobrang pagkain at sundin ang kalinisan at kaligtasan.
Taurus (May 13-June 21) Ang biglaang pagbabago sa paraan ng paggastos ay posibleng mangyari ngayon.
Gemini (June 21-July 20) Mag-ingat, mataas ang posibilidad na mapinsala ang sarili.
Cancer (July 20-Aug. 10) May ilang tao na posibleng may gawing hindi maganda o magpakalat ng tsismis tungkol sa iyo.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Posibleng magkaroon nang biglaang problema sa bahay. Upang matugunan ito, dapat ipagpaliban ang ilang mga plano.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kailangang maging mabilis at aktibo sa pagtugon sa mga isyu sa negosyo.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang relasyon sa ilang mga tao ay posibleng humantong sa gulo.
Scorpio (Nov. 23-29) Mataas ang posibilidad na humantong sa kritikal kung hindi man ay delikadong sitwasyon.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Hindi nangangako ang araw na ito nang madaling pagtugon sa ilang mga bagay.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Posibleng magkaroon ng alitan sa ilang mga tao sa paligid.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Sikaping magkaroon ng kontrol sa sarili upang mapanatili ang maayos na relasyon sa pamilya.
Pisces (March 11-April 18) Sikaping iwasan ang mainitang komprontasyon na posibleng idulot ng mga problema.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Hanggang dakong gabi ay mataas ang iyong enerhiya, gamitin mo ito.
ni Lady Dee